Napansin kong balisa siya at parang natatakot. Ilang beses ko rin siyang napansing bahagyang tumingin sa gawi ko saka agad na umiwas ng tingin. Ilang beses niya itong inulit na para bang – teka, nakikita ba niya ako?
Upang mapatunayan ko ang aking pagduda, pilyo kong naisip na takutin siya. Sandali kong pinagmasdan ang kilos niya. Napansin kong lumilingon siya sa gawi ko saka agad na umiwas ng tingin na para bang nagdasal. Tinantya ko ang ilang segundong nakapikit siya na para bang nagdarasal bago siya muling titingin sa akin.
Sa panglimang pagkakataong ginawa niya iyun ay agad akong lumapit kaya nung lumingon na siya sa gawi ko, halos isang pulgada na lang layo ng mga mukha namin.
"Boo!" pananakot nang lumingon siya sa akin.
"Waaaaa!" sigaw niya kaya halos malagapak ako sa sahig sa kakatawa. Her scared face is very priceless.
"B-bakit? Anong nangyari?" agad naman siyang nilapitan ng nurse ng emergency room.
"M-may," halos hindi siya makapagsalita kaya umayos ako ng tayo saka lumapit sa kanya.
"Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon," saad ko, "hindi ka nila paniniwalaan."
"M-miss! Kinakausap ako ng multo!" napakapit siya sa nurse kaya wala akong ibang nagawa kundi ang mapailing na lang.
"Sandali lang ha," saad ng nurse, "tatawagin ko lang ang doktor."
"No! Huwag mo akong iwan!" mas hinigpitan niya ang pagkayakap niya sa nurse kaya sinubukan kong kausapin siya ulit.
"Miss kapag ipipilit mong may multo kang nakita baka sa mental hospital ang bagsak mo," saad ko, "sayang pa naman ang ganda mo kung mapagkakamalan kang baliw."
Napansin kong napatigil siya sa pagsisigaw saka sinabing, "s-sorry, pwede bang samahan mo na lang ako dito habang wala pa ang tita ko?"
"Huwag ka nang matakot sa akin," namulsa ako saka sumandal sa gilid ng kanyang kama, "sa gwapo kong to, maswerte ka dahil ikaw ang dinalaw ko."
Napansin kong inis niyang binitawan ang nurse at sinabing, "okay na pala ako, miss," saka ako inirapan.
Siya nga ang online girl friend ko, ayaw niya sa guts ko at lagi niyang pinaggigiit na pangit ako kahit pa sinasabi ko sa kanyang maraming nagkakandarapa sa akin.
Kakausapin ko sana siya ngunit may biglang dumating, "Yumi! Susmaryosep kang bata ka! Pinakaba mo ako."
"Tiy –"
Natawa ako dahil isang silaba lang ang nasambit niya, mahigit isang daang salita na ata ang lumabas sa bibig ng kanyang tiyahin. Dito niya marahil nakukuha ang pagiging masungit at mataray, para kasing armalite ang bibig.
Dahil wala naman akong masasakyan pauwi, napagpasyahan ko na lang na sumama kina Yumi. Alam kong hindi pa rin siya makapaniwalang may multo siyang kasama kaya nanahimik na lang muna akong umupo sa tabi niya. Hindi man ako direchang nakatingin sa kanya, nagkaroon naman ako ng pagkakataong titigan ang kanyang mukha mula sa repleksyon niya sa rear mirror.
Maganda siya, lumilitaw ang simpleng ganda niya sa konting make-up na nakalagay sa mukha niya. Singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi, in short, my ideal Korean doll. Sawa na rin kasi ako sa mestiza. I had a good taste of white beauty so I thought of changing my flavor preference.
Hindi ako womanizer, I just happen to enjoy fling relationships. Wala pa kasi sa isip ko ang seryosong relasyon saka may hinihintay din ako. Namuo ang inis sa loob ko nang may naalala ako kaya sinubukan kong iwasiwas ito sa pamamagitan ng pagbaba ng tingin ko sa kanyang dibdib. Hey! Lalaki ako kaya natural sa akin na isa yan sa mga katangiang titignan ko sa babae. Sa tingin ko, may konting hinaharap siya, hindi nga lang gaanong malaki.
YOU ARE READING
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...
Chapter 2
Start from the beginning
