Naka-save pa naman sa phone ko number nya kaya kahit nag-new number ako, nasa akin pa rin number nya.

C: "Chef! Ano okay ka lang?"

Si Head Chef Cristina.

Habang pine-prepare ko ang Sizzling Chicken Fajitas Grilled Peppers, Salsa, Rice & Beans.

Medyo pagod kasi ang daming ginagawa.

Pero masaya ako sa trabaho ko at lahat naman ng natutunan ko sa school dati, napa-practice ko na ulit.

"Yes chef!"

C: "Aba, talagang pakitang gilas ka ah." ngiti sya.

"Oo naman Chef! Ang tagal ko ring hindi na-practice yung pinag-aaralan ko eh."

C: "Alam mo, sobrang satisfied ako sa performace mo kahit ilang linggo ka pa lang, halatang mahal na mahal mo ang pagluluto. I'm glad that you're in my team!"

"Naks naman chef! Wag ganyan, baga mag-iba lasa ng manok ko."

C: "Yan din ang gusto ko sayo eh, kahit pagod na nakakapagbiro ka pa."

"Kesa naman po manigaw ako diga? Mas nakaka-stress yon."

C: "Tama ka jan."

May pumasok sa loob ng kitchen.

Yung colleague namin.

W: "Chef! Ready to serve na yung sa Table number 16?"

C: "Oo eto na kunin mo na Walter."

W: "Eto nga pala chef, bagong order sa table number 20"

Tiningnan ito ni Chef.

C: "Sampong tao?"

Tiningnan nya ang orasan.

C: "Ang dami naman nila, eh kung kelan naman late na. At malapit na yung last service."

W: "Eh Chef, sabi ni Ms Gretchen VIP daw tong mga to."

Si Ms. Gretchen yung manager ng restaurant.

C: "CHEFS! Meron pang enough servings para sa sampong tao?"

"YES CHEF!" Sabay sabay naming sagot.

C: "Good. Sige okay lang yan."

Sumilip si Chef sa may pintuan.

C: "Nako, overtime na naman nito sina Walter, panigurado."

"Bakit Chef?"

C: "Parang may meeting pa eh. Syempre iintayin nila matapos."

Sumilip din ako ng pinto.

Parents ni Paul O___O

Bumalik na ulit sina Tita =))

Ang huli naming pagkikita yata nung sa may Baguio pa.

Dun sa walang pakundangang zip line -___-

Pero di ko sure, dun nga ga? HAHAHA.

Ewan nalimutan ko na eh -__-

C: "Parang kilala ko yung mag-asawang yun oh."

"Parents ni Paul yan."

C: "Sabi na eh!"

Tinulak tulak nya ako palabas.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora