Naman oh! Kailan bako mapapansin ng crush ko? Crush ko na walang ibang ginawa kundi sabihin ang "Pake ko?" sa twing sasabihin kong "Mahal kita".At worst after kung sabihin yan, pagtatawanan lang ako ng kabarkada nya. Buset talaga.
Crush pero mahal? Gulo ko ba? Nako kayo nang bahala kung gusto nyong intindihin.
"Oh ano Mia? Susuko ka na siguro ano? Alam mo bes mas mabuti na yan.Para naman di ka na magmukhang tanga" si Kelly yan.
"Psh. Ako? Susuko? Di mo ata ako kilala Kelly. Baka nakakalimutan mong ako si Jamia Gale Anderson ang babaeng hindi basta-basta sumusuko pagdating sa taong mahal nya." sabi ko habang nakalagay ang hintuturo ko sa dibdib ko.
Totoo naman talaga eh. Eh halos limang taon ko nang mahal si Alvin. Di ko na nga mabilang kung ilang beses nakong umamin sa kanya na mahal ko sya eh. Ilang beses narin nya kong napagatawanan. Kung hindi sya ang tatawa, yung mga barkada naman nya ang sasalo sa kanya.
Masakit. </3
Akala nyo hindi noh? Akala nyo lang yun. :(
Gusto ko na ngang umiyak sa kanya eh kapag tinatawanan nya lang ako. Pero ayoko nga. Di ko gawain yun noh. Hahaha
"Kyaaaah! Si Alvin!!" rinig kong tili ng mga babae.
Di ko pa nasasabi? hearthrob ang mahal ko noh hahaha. Ang gwapo eh. hays. Di hamak naman na mas maganda yung babaeng kasama nya kesa sakin eh. :(
"Oh ayan na yung taong kanina mo pa iniisip" sabat bigla ni Kelly.
Ha?
"Oo. Rinig ko yung pag nanarrate mo dyan psh." pagpapatuloy nya.
Talaga? Weh?
"Kyaah! Ang gwapo nya talaga"
"Akin ka nalang Alvin!!"
"teka? Sino yang kasama nyya?"
"O M G! Sila ba ni Cheska?"
"God! Papalapit sya sakin!"
"Wag ka ngang assuming"
Wag kayong assuming talaga dahil akin lang sya. Sa panaginip ko :(
"Uy bro! Di ba yan yung babaeng araw-araw na nagcoconfess sayo? hahaha" rinig kong sabi ni Charles isa sa barkada ni Alvin.
At dahil mahal ko si Alvin pati barkada nya alam ko ang pangalan. Except lang sa Cheskang sinasabi nila.
"Oo nga bro. Ano nga ba pangalan nya? Mila? Mia? hahahaha" tawa naman ni Erick.
"Shut up dude" rinig kong sita ni Alvin.
Alam nyo yung feeling na hiyang hiya kayo sa sarili nyo dahil sa canteen pa talaga sila nag usap kung saan marami ang nakakarinig tungkol sa kahihiyang ginawa mo? Jusko! Kahit naman desperada ako sa paningin nyo, hindi naman nako totally makapal ang mukha may hiya din naman ako. >.<
"Pabayaan nyo nalang sya wala naman akong pake sa mga pinagsasabi nya." dugtong pa ni Alvin.
Dun nako nagtaas ng tingin kasabay nun ang pagtama ng mga mata naming dalawa.
Sana makita nya kung gaano kasakit ang mga sinabi nya.
"So you are the desperate girl" sabi nung Cheska habang nihe head to toe ako.
Desperate? Ako? Ganun na ba ko talaga?
