Being Lonely

134 12 0
                                        

Ako yung tipo ng anak na, gustong-gusto na makita ang mga magulang na proud sa anak nila. Yung tipo na sasabihin nila sa'yo

"Anak, we are so proud of you, anong gusto mong gift"

Yung tipong kahit hindi ka matalino basta makapasa ka lang sa pag-aaral, andiyan pa rin sila sa'yo no matter what happen.

Sila yung sandalan mo kapag hindi mo na kaya, pero sana lahat may ganyang mga magulang. Sana ako rin may magulang na proud sa akin.

Hindi naman ako bobo, sa totoo nga lang I'm one of the honor student sa klase namin, pero bakit ganun? Bakit parang wala lang ako.

Gustong-gusto kong marinig mula sa mga bibig nila na sana proud sila sa akin. Then one time bumaba ang grade ko sa isang subject, ang mas malala pa major yun.

Sabi ko okay lang siguro kila mama at papa.  Atleast hindi bagsak, pero hindi nagkamali pala ako.

Sinermonan nila ako ng bakit bumaba ang marka ko sa subject na 'yon? Siguro daw nagbubulakbol ako, siguro daw hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang studies ko.

Napapaiyak nalang ako ng time na yun, bakit yung iba. Kahit hindi matalino, ayos lang sa magulang nila. Pero bakit ako hindi.  Mas lalo akong napaiyak kasi, dun lang nila ako napansin, nung bumaba ang marka ko.

Hindi nila alam dahil din sa kanila yun, everynight I was crying inside my room. Yung sinabi nilang nagbubulakbol ako, ginagabi ako dahil sa paggawa ng group project and thesis.

Yung hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang studies ko, they're wrong about it. Kaya nga ako ginagabi dahil dun. Minsan kasi nakakawala na ng gana ang mag-aral kung walang nagmomotivate sa'yo.

Yung mga magulang mo pa ang mismong nagbibigay sa'yo ng dahilan para hindi ipagpatuloy ang pangarap mo para sa kanila. Nakakapagod din kasi minsan ang makipagkumpetensya sa atensyon nilang dalawa.

I just want them to be proud of my achievements, not to be ignored by them as if I was not their daughter.

Nagkaroon ako ng depression dahil doon,  gabi-gabi umiiyak dahil ramdam na ramdam ko ang pagiging mag-isa ko, gusto ko na ngang tapusin ang buhay ko. Pero sila pa rin ang nasa isip ko.

Sabi ko paano sila mama at papa, edi walang nag-alaga sa kanila. I was not capable of doing things anymore. Until I burst it out.

Sinabi ko lahat sa kanila ang hinaing ko, para kahit papaano man lang, maintindihan nila ako.

Dealing with depression is not that easy. Mahirap kakumpetensya ang sarili at emosyon, lalo na kung mismong ang mga taong mahal mo ang nagbibigay rason para mawalan ako ng confidence sa sarili.

At the end, they treated me right, yung parang nabuksan ang pag-iisip nila. Na sila ang dahilan kung bakit ko iyon nagawa.

Nagpatuloy ako sa pag-aaral, nakatulong ang pag-oopen up ko sa kanila upang maibagon ko muli ang sarili ko. Thanks to God, he help me to stand up again.

-----------------------------------------------------------

A/N:

Being lonely is not easy, it trigger so many emotion deep inside a person who experience depression, anxiety, etc. Ang gusto ko lang sabihin sa lahat ng nakaka experience na'to.

Huwag kayong susuko. Kahit na ano pa man ang dahilan. Halos karamihan kasi ng biktima dito ay kabataan. God is there to help us. So to all parents out there, please accept kung ano talaga ang kakayahan ng anak ninyo.

Lahat ng talento ay nahahasa, pero para magawa nila iyon ng mas maayos, kailangan nila ang gabay ninyo upang mas magawa iyon ng maayos.

I just want to say that :

"Never waste your today for yesterday."

Move-on today and let the past be your guide in your future.

God always makes you smile cause he believes in you, so always make him smile and believe in Him.

Date Finished: May 8,2018

  © All rights reserved. 2018.

Maxine_Santillana 

Being Lonely「One Shot」Stories to obsess over. Discover now