PHILOPHOBIA

11 1 0
                                        


Takot.

Marami tayong kinatatakutan.

Takot, na hindi natin kayang lagpasan at labanan.

Takot sa maraming bagay.

Saan ako takot?

Takot akong magmahal.


Takot umasa.

Takot maiwanan.

At takot masaktan ng paulit ulit.

Nasa isang sulok ako ng aking  madilim at walang kabuhay buhay na kwarto.

Yakap yakap ang aking tuhod.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nanghihina.

Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako iniiwan.

Hindi ko maintindihan kung saan
ako nagkulang.

Sa oras?

Sa effort?

Sa pagmamahal?

Bakit ang unfair sakin ng tadhana?

Nagmahal lang naman ako,

Pero bakit hindi ako naging masaya?

Ipinikit ko ang aking mata.

Nanumbalik sa akin ang maraming masasakit na alaala.

-----

"I'm sorry Chloe. I want to end this relationship. Sorry but break na tayo"

"Ivan. Don't go. Ano bang pagkukulang ko? Sabihin mo sakin hindi yung ganito"
Hinawakan ko ang braso nya para pigilan syang umalis.

"Sorry Chloe. Hindi na ko masaya sa relasyon na to. Ayoko namang umasa ka pa ng umasa sakin. Kaya mas mabuti nang tapusin na natin to. Tama na Chloe. Goodbye"

Tinanggal nya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso.
Tumalikod at dahan dahang naglakad palayo hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.

"I..van.."
Naupo ako sa isang bench at doon na nagsimulang umiyak.

-----

-----

"Ano ba Chloe! Layuan mo ko nga ako! Hindi kita mahal!"

PHILOPHOBIAWhere stories live. Discover now