"Abu," narinig kong saad niya, "kumusta ang sitwasyon diyan sa St. Mary's University?"

Nagmadali akong sumunod saka pumasok sa sasakyan niya nang buksan niya ang pinto sa likod upang ilagay ang kanyang gamit, "okay, patungo na ako diyan."

"Sana hindi pa ako huli," saad ko sa isip habang mariing napapikit dahil pilit kong inaalala ang pangalan niya.

YUMI TANJUATCO, naalala kong pangalan niya. I am really sorry. Dahil sa akin, nagiging panganib buhay mo.

*Yumi's POV*

Hindi pa kami lubos na makarecover dahil sa nalaman naming balita mula kay Aislin. Maganda at matalino ang kaibigan ko kaya hindi ako magtataka kung isang araw ay mahuhulog ang loob ni King sa kanya gayunpaman, nabibilisan pa rin ako sa mga pangyayari. Alam ng lahat na mula noong umalis ang nobya ni King papuntang Estados Unidos ay hindi na nagkaroon ng interes si King na makipagdate sa kahit sinong babae. Ito ang dahilan kung bakit hindi namin inaasahan na sa loob lamang ng ilang araw ay naging sila na.

BANG!

Nagulat ang lahat nang marinig namin ang putok ng baril.

"Everybody spread out and hide!" agad na utos ni Professor de Jesus kaya mabilis akong nagtago sa working table.

Napansin ko ang panginginig ni Tamara kaya nilapitan koi to saka niyakap.

"M-mamatay na ba tayo?" tanong sa akin ni Tamara.

"Huwag kang manakot," saad ko per ang totoo, natatakot na rin ako.

Napaigtad ako nang marinig namin ang katok sa pinto, "Prof!" boses ng lalaki ang narinig namin, "Si King to," nakahingaa naman ako ng maluwag nang marinig kung sino yun.

"Nasaan si Aislin?" narinig kong tanong ni Mace.

"H-hindi mo kayo magkasama?" gulat na tanong ni King.

Nagbanghayan ang dalawa habang pinipigilan sila nina Angelo at Professor de Jesus. Hindi na ako narkialam sa kanila dahil mas naririnig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib kaysa bulongan nila. Ilang sandali ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ni Tamara na nasa bulsa niya. Magkatabi kasi kami kaya naramdaman ko yun.

"N-nagtext si Aislin!" natarantang saad ni Tamara, "nasa toilet daw siya."

"She will be scared," saad ni King na ngayon ay nakadapa sa sahig buhat nang pagpapatumba sa kanya ni Professor de Jesus dahil nagpumilit itong lumabas ng office kanina upang hanapin si Aislin.

"Nababaliw ka ba?" galit na saad ng publication adviser namin, "hindi natin alam kung ilang armadong tao ang nasa labas. You can get yourself shot."

"How about Aislin? She can also get shot!" pagsagot ni Mace. Kung hindi ko lang alam na magbestfriend lang sina Aislin at Mace, siguro iisipin kong magnobya sila. Ang totoo, mas natutuwa akong tignan sila kaysa noong makita kong magkasama sina Aislin at King.

Lumipat si Rubi sa gawi namin at niyakap si Tamara kaya naisipan kong sumagap ng impormasyon mula sa labas. Binuksan ko ang messenger ko at nakipagchat sa mga ka-guild namin sa labas ng unibersidad.

"Sino sa inyo ang may balita tungkol sa nangyaring shoot-out sa St. Mary's University?" tanong ko sa group chat namin. Hindi ko alam pero may parte sa akin na umasang sana si Eros ang sumagot sa tanong ko.

"Nasa school ka ba?" tanong ni Berdugo, ang bagong miyembro ng guild.

"Oo," sagot ko.

"Saang banda ka?" napakunot-noo ako kung bakit niya natanong.

"Nasa loob ka ba ng unibersidad?" muli nitong chat.

Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Natatakot din ako na baka itong kachat ko ay isa sa mga taong armado sa labas. Ilang sandali akong nag-isip bago ako nagdesisyong sumagot.

"Estudyante ako ng St. Mary's University," sagot ko.

"Saan ang publication office?" tanong nito na nagpapigil sa akin. Wala naman akong sinabing nasa publication office ako, bakit niya natanong? At kung estudyante siya ng unibersidad, dapat alam niya ang opisina namin dahil ito ang pinakamalapit na opisina sa main gate.

Nagduda na ako kaya napag-isipan ko na lang na i-message si Eros, "Eros! Saan ka na? Nanganganib buhay ng asawa mo, sumagot ka!"

Naiinis ako dahil ilang araw na ding IA ang taong ito at madalas ding hindi nagpapaalam kaya ayoko sana siyang i-chat kaso sa lahat ng mga ka-guild members, sa kanya lang ako may tiwala.

Hinintay ko ang sagot niya pero nakita kong sineen lang niya ang mensahe ko kaya nadagdagan ang inis ko sa kanya, "hoy! Huwag mo lang akong i-seen. Ano? Hindi ka ba mag-alala sa akin? Nasa St. Mary's University ako at may nangyaring shoot-out."

Lumabas at nakabalik na lang ng opisina si Professor de Jesus upang sunduin si Aislin, wala pa ring sagot sa akin si Eros. Lahat na atang mura naisend ko na sa kanya pero wala itong ginawa kundi ang i-seen lang ako.

"Magtago na kayo," napabaling ang atensyon ko sa pinto dahil sa sinabi ng adviser namin. Nakita ko ang isang siwete ng lalaki sa tapat ng pinto kaya mas lumakas ang tibok ng aking puso. Napakagat ako sa aking kuku sa sobrang kaba ngunit napansin ko ang kalmadong pustora ng aming adviser. Mas lalo tuloy akong humanga kay Professor de Jesus, isa siyang magandang simbolo ng Women Empowerment.

Pumasok ang lalaki pero mabilis itong napatumba ng adviser namin. Napansin naming miyembro pala ito ng SWAT pero naeexcite ako dahil napatumba siya ng ng babaeng adviser. Para lang akong nanood ng 3D action movie.

"Akie29?" SWAT member, "naka-undercover k aba dito?"

Napakunot ang noo ko. Tama ba ang narinig ko? Undercover siya? "Wow! Ang astig!" hindi ko napigilan ang aking pabulong na paghanga.

Ilang sandali lang na ipinaliwanag ng SWAT member ang sitwasyon sa labas. Pagkatapos noon ay naghanda na kaming lumabas ng opisina. Natatakot ako pero kailangan kong magpakatatag dahil hindi likas sa akin ang magpakita ng kahinaan.

"Aaaaaa!" narinig ko ang sigaw ni Aislin kaya napalingon ako.

"Mauna na kayo!" utos ni Professor de Jesus. Nakita kong duguang nakabulagta sa sahig si King habang nagpatuloy ang engkwentro ng putokan ng mga SWAT at ng kaaway.

"Tumakbo ka at huwag kang lilingon," narinig kong saad ni Angelo kay Rubi kaya naisip kong ganoon na rin ang gagawin ko. Sabay-sabay kaming lahat na tumakbo palabas ng unibersidad at mabilis namang sumalubong sa amin ang mga nakaabang na mga pulis at medics.

Nagkumpulan kami sa iisang lugar ngunit kinilabutan ako sa nahagip ng aking paningin. Ang guwapong si Xavier Vanhallen, nasa malapit lang nakatingin sa akin. Nakakakilig sana yun kung hindi lang patay ang guwapong lalaking nakatingin sa akin.

Nagpanggap akong hindi ko siya nakita saka nakihalubilo sa mga kasama ko ngunit sinusulyap-sulyapan ko ang kinaroroonan niya. Ilang beses ko ring sinubukang kumurap baka sakaling guni-guni ko lang ang lahat pero kahit anong kurap ang gawin ko, hindi siya nawawala. Nakatayo lang siya sa malapit at nakatitig sa akin.

"Maawaing Diyos," mahina kong dasal, "alam kong pinagnanasahan ko ang mga litrato ng patay pero hindi ko po hiniling na ibalik mo siya sa mundo para sa akin."

Muli akong tumingin sa kanya at nanlamig ang buo kong katawan nang mapagtanto kong nasa tabi ko na ang gwapong multo na kanina ay nakatingin lang sa akin.

"Yumi!" narinig ko ang pag-alalang sambit ni Tamara dahil biglang nagdilim ang lahat sa paligid ko. Sino ba naman ang hindi himatayin kung tanghaling tapat kang minumulto.

0

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon