"Yamano-Kai planted an evidence in my condo last night," malungkot na saad ni JB.

"A-anong ebidensya?"

"Na isa siyang Yamano-Kai member," nagkibit balikat si JB.

"Hindi siya miyembro ng Yamano-Kai," saad ko saka sinundan ang mga pulis na dumampot sa kuya ko.

Alam kong hindi kasama sa mga miyembro ng Yamano-Kai ang kuya ko. I was able to access the full list of members including members who are connected to the government. Nasisiguro akong wala sa listahan si kuya.

"H-harris! Gumawa ka ng paraan," narinig kong nagmakaawa si tita Aubrey.

"Mabubulok siya sa bilangguan kung kinakailangan," gitil na saad ni dad.

"No!" hinarap ko ang aking ama, "hindi kriminal si kuya. Dad, he is innocent!"

"Kapag mapapatunayang sangkot siya sa pagpapabaril kay Xavier," pagbanta ni dad, "sisiguraduhin kong magiging impyerno ang pamamalagi niya sa kulongan."

"Kuya Wayde is innocent!" I was more of frustrated than angry.

Agad akong tumakbo upang sundan ang mga pulis na ngayo'y kasama na si kuya. Nakita ko ang takot at pagkalito sa mga mata ni kuya kaya sinamahan ko siya hanggang pinasakay siya sa sasakyan.

"I am going to get you out of this mess, kuya," nangako ako, "I promise, I will find a way to prove your innocence."

Napasabunot ako ng buhok habang pinapanood ang pag-alis ng sasakyan ng mga pulis. I am confused. Alam kong ako lang ang makakatulong kay kuya ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Xavier." tawag ng kaibigan ko, "may isa ka pang kailangang gawin."

"Ano?" kunot-noo kong tanong.

"Nakuha ng Yamano-Kai ang cellphone at laptop mo," saad ni JB, "at balak nilang patayin ang lahat na nakontak mo sa loob ng isang linggo gamit ang ito."

"Si Dee-vyn Serge Valderama lang naman ang lagi kong kausap sa mga panahong iyon," sagot ko.

"Hinihinalaang mga miyembro ng notorious group na Yamano-Kai ang mga tauhang sanhi ng shoot-out sa St. Mary's University," napalingon ako nang pinalakasan ng security guard namin sa mansyon ang radyo niya.

"Si Eris," mariin akong napapikit nang maalala kong nakachat ko si Yumi bago ako nakipagkita kay Dee-vyn. Ang pangalan ng unibersidad sa balita ang nagpapaalala sa akin nun.

Inistalk ko ang real account ni Eris noong gabing iyun pero computer ni lolo ang ginamit ko sa paglocate sa kanya kaya nagtaka ako kung paano nila natunton ang location ng operator ni Eris. Paniguradong ginamitan din nila ng tracker link si Eris.

"Tama ang hinala mo, pare," saad ni JB, "they were able to track everyone close to you."

"Kailangan kong gumawa ng paraan," saad ko.

"It is about time na din pare," malungkot na saad ni JB saka nilagay ang kanyang mga kamay sa aking balikat, "paalam sayo."

"T-teka," kinakabahan kong saad, "saan ka pupunta?"

"Tapos na ang mga dapat kong gawin sa mundong ito," ngumiti siya, "sana matapos mo rin ang sayo," pagpapatuloy niya habang unti-unti siyang naglaho sa paningin ko.

Ito ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay namalagi pa rin ako sa mundong ito? Si kuya ba at ang babaeng nag-ooperate kay Eris ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay gumagala pa rin ang kaluluwa ko dito?

"Sinasabing may hinahanap na babae ang mga tauhan ng Yamano-Kai sa unibersidad," muli nabaling ang atensyon ko sa balita.

"Fvck!" napahilot ako sa noo nang maalala kong ang operator lang ni Eris ang tanging nakakaalam sa nilagay kong password sa files na binigay ko kay Dee-vyn. Hindi siya pwedeng mamatay. Nakita kong palabas ang isang pulis mula sa bahay namin, ito marahil ang lider nila dahil halatang may edad na ito.

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now