"Walang imposible sweetheart. Maniwala ka." Pag aalo niya saakin, marahan ko siyang nginitian. Inilipat ko ang kamay ko sa mukha niya, hinaplos ko ang mata niya na naging dahilan ng pagpikit niya, maging ang ilong niya, labi niya at ang pisngi niya kung saan madalas kong makita kung gaano siya kasaya, sobrang gwapo niya na para bang imposible na mayroon ngang katulad niya.

Biglang tumulo ang luha niya, kaagad kong pinunasan iyon. "Sweetheart please, h'wag kang umasta na parang kinakabisado mo ang buong pagkatao ko dahil pakiramdam ko iiwanan mo ako. Please, I'm begging you lumaban ka.." Humihikbing bulong niya, parang pinipiga ang puso ko dahil sa boses niya na punong puno ng pakiusap. Marahan niyang iminulat ang mata niya at tinitigan niya ako ng malalim, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinagdikit niya ang noo naming dalawa.

"Tuparin mo yung sinabi mo kanina saakin sa simbahan na...na mas magiging matapang ka para saating dalawa. Sweetheart, please. Nagmamakaawa ako sayo. Kakayanin mo naman diba? K-kasi ako, kahit sobrang sakit at hirap kinakaya ko para sayo. Kinakaya ko kasi gusto kong makasama ka!" Desperadong pakiusap niya, pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi ko, tumango tango ako at hinalikan ko ang mainit niyang labi.

"Promise me.." Pakiusap niya sa pagitan ng halik naming dalawa.


"Promise D-Drake.." Nangangatog ang tuhod ko dahil sa sobrang panghihina, inilayo ko ang labi ko sakanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ramdam ko ang mga titig saamin ng mga tao sa reception pero hindi ko nalang pinagbibigyang pansin iyo, hindi ako nahihiya na ipakita sa lahat kung ano ba talaga nararamdaman ko ngayon, dahil para kay Drake wala akong dapat ikahiya, lalo na at buong pagkatao at buong puso niya akong ipinagmalaki sa lahat ng taong nanghusga sa relasyon naming dalawa. Mahal na mahal ko siya..at kahit sobrang hirap, susubukan ko pa ring lumaban para sa lalaking bumuo ng pagkatao ko.



"Gusto mo bang basahin ang mga shells sweetheart?" Bulong niya sa tainga ko, walong buwan na akong buntis at habang tumatagal nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko, pero hindi alam ko sa sarili ko na lalabanan ko ito.

Nakaupo ako ngayon sa wheel chair habang nakayakap mula sa likod ko si Drake. Nandito pa rin kami sa Zambales at tinititigan namin ngayon ang ibang shells na dinikit namin noon.

Umiling iling ako, hinaplos ko ang ilang shells sa pader. Sinong mag aakala na isang Drake Cortezano ang makakaisip ng ganitong kakornihan tungkol sa mga shells? Kung sabagay, minsan yung mga kakornihan na mayroon tayo yun pa ang mas nakakapagpasaya saatin.


"Gusto ko diyan lang ang mga yan.. Ayokong mawala yan dahil kasama yan sa istorya nating dalawa, at alam kong karamihan ng sinulat mo diyan tungkol saakin. Paglaki ni Drake Tyler gusto ko siya ang babasa ng lahat ng sinulat natin." Bulong ko. Lalaki ang anak namin ni Drake, sabi ni Tito Drew masyadong malaki si Tyler sa walong buwan, naisip ko tuloy baka nagmana siya kay Drake, sobrang tangkad kasi nitong asawa ko.

"H'wag ka ngang magsalita ng ganyan sweetheart." Suway niya saakin, ngumiti lang ako. Biglang sumipa ang anak ko kaya naman napahawak ako sa braso ni Drake! 


"Drake! Sumipa siya!" Natatawang sabi ko sakanya, kaagad siyang pumunta sa harapan ko at ipinatong niya ang kaliwang pisngi niya sa namimilog kong tiyan, maya maya ay sumipa nanaman ito! Ang sarap sa pakiramdam na kahit nasa sinapupunan ko pa ang anak ko nararamdaman ko talagang buhay siya.

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu