May nagtanggal ng earphone ko sa kaliwang tenga kaya napalingon ako kay Kenth. "Ano?"kunot-noo kong tanong.

  "Nandito na tayo."ngayon ko lang napansin yun ah. Kanina pa ata kami nakahinto. Lumabas ako at napatingin sa paligid. Nasa village kame? Eh? Anong gagawin namin dito?

"Hoy,anong ginagawa natin dito? Akala ko ba kakain tayo? Don't tell me dito tayo sa kalsada kakain? Ayoko nga! Ikaw nalang 'no!"

  Inirapan niya ko kahit nakangiti. Hala. Sinasapian na ata 'tong lalaking 'to eh. Napakunot akong tumitig sakanya. "Sandali lang."

  "H-hoy! Wag mo kong iwan dito mamaya may aso dito."tumakbo ako papunta sakanya at pumasok siya sa tapat ng pinagparkan niya ng kotse niya. Sobrang laki ng bahay. "Hoy,Kenth. Bahay niyo ba 'to?"huminto siya saglit at nilingon ako. Nang maabutan ko siya ay sumabay siya sa paglalakad ko.

  "Oo. Bahay namin. Ang liit 'no?"mayabang niyang tono.

  "Psh! Yabang mo!"

  Tumawa lang siya. Nakarating na kame sa loob. Grabe ang laki talaga. Halatang ang yaman-yaman nila. Hindi ko nalang sasabihin kay Kenth. Lalaki nanaman ulo eh. Nilibot ko pa yung mata ko sa bahay nila at wow. Ang laki ng family picture nila. Napatingin pa ko sa isang malaking frame. Si Kenth yon. Para siyang nasa photoshoot. Ang gwapo niya dun. Napapaisip tuloy ako na bakit ako napagdiskitahan niyang maging kaibigan.

  "Huy. Tara sa kitchen."napalingon ako kay Kenth. Hindi pa sana ako susunod pero nakaamoy ako ng pagkain kaya dinala ako ng mga paa ko papunta kay Kenth.

  Pagpasok ko,naamoy ko na yung pagkain. Ang laki rin ng dinning nila. At yung table akala mo pang 20 na tao ang kakain. "Sumunod ka."sumunod ako. Pumasok kami sa isang kwarto na parang isa nang bahay sa sobrang laki. Pagpasok ko napanganga ako sa nakita ko. Ang daming tao. Ang daming nagluluto.

  Nang makita nila kame ni Kenth ay napahinto sila at lahat ng mga cook ay yumuko. "Goodafternoon,sir Kenth. Anything for you,Sir?"

  "Food."pagkasabi non ni Kenth ay lumabas na siya. Kumaway muna ako sa mga cook nila at sumunod na kay Kenth.

Napakasungit naman ng lalaking 'to akala mo kaaway lahat. Tss.

  "Here's your food sir."lumapit sakin yung isang maid nila,"and here's for you maam."ngumiti pa si ate sakin. Kaya ngumiti rin ako.

Nakita kong nagsimula na si Kenth kaya nagsimula na rin ako. Ang sarap grabe. Parang nasa 5 star restaurant.

***
Miko's POV

Nakita kong lumabas na si Eumi ng room kaya balak ko sana siyang sundan. Gusto ko kasing makita niya ang pagbabago ko. Wala na kong eye glasses na makapal at iba na rin ang ayos ng buhok ko pati ang pananamit ko.

Nakita kong sinusundan siya nung bagong lipat na classmate pa namin. Nakakabadtrip.
Nagtago ako sa may isang halamanan para di nila ako makita.

  "Ano ba? May pangalan kaya ako."sigaw ni Eumi. Bigla namang napalingon yung lalaki sa malayo at tumakbo sa direksyon na iyon. Teka..bakit kaya.

  Tiningnan kong maige. Si... Stayce. At sh*t. Nakikipag halikan kay Aaron. Na isa ring transferee last month lang.

Bumalik ang atensyon ko kay Eumi na ngayon ay nagbabasa na. Lumapit ako sakanya. "Eumi," napalingon naman siya sakin at..ugh. ang ganda niya talaga. Sana pwede ko siyang matitigan nang sobrang tagal.

  "Miko,ikaw pala"sana lagi mong binabaggit ang pangalan ko. Ang sarap kase sa feeling eh.

"Musta?"tumabi ako sakanya. Sana ganito nalang tayo lagi kalapit. Tumingin ako sa binabasa niya. At as usual, "Nagrereview ka nanaman?"ttanong ko. Gusto ko pa saba mapahaba yung usaoan namin pero ibibigay ko muna yung regalo ko sakanya. Two weeks from now kase birthday na niya. And i want to be the first who will give a gift for her.

  "Ayos naman, Ah,oo. Baka kasi magkaroon ng surprize quiz eh."ngumiti ako bilang sagot. Mayamaya ay napahinto siya't parang may iniisip.

  "Ah..Eumi...may ibibiga----"

  "Huy."
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa may dumating. Napatingala naman si Eumi.

  "Epal,"napabulong ako. Nakakainis talaga. Ang epal naman ng lalaking to. Ilang araw na nga kame hindi nakakapag usap dahil sakanya eh. Tas eepal nanaman ngayon. Tsss.

"A-ano yun?"

Narinig pala niya. "Ah,wala. Mauna na ko Eumi. See you around."pagkasabi ko non ay umalis na ko nang hindi man lang hinintay ang sagot niya. And i really regret that i forgot to give my gift. Mmmm.. iiwan ko nalang siguro sa locker niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PretendingWhere stories live. Discover now