You Needed Me (Chapter 8)

1.4K 27 0
                                    


"Bastos!"  singhal ni K sabay sampal kay Vice.He just smirked at hindi ininda ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng asawa.He knows that he deserves more than just  a single slap from his wife,at handa syang tanggapin ang lahat ng ito,kahit gano pa karami.Dahil para sa kanya,mas masakit makita na may iba nang nagpapangiti at nagpapasaya sa asawa.Gusto nya,sya lang.At nagsisisi syang inabot pa ng ganito katagal bago sya matauhan sa lahat ng maling nagawa nya.

"We need to talk,K.Please.."  aniya saka akmang lalapit muli sa asawa pero umatras ito at galit na galit na tumingin sa kanya.

"Wala na tayong dapat pag usapan.Ang tagal kong naging tanga para sa'yo.Tinanggap ko lahat,lahat pati na yang kabaklaan mo.Lahat ng panlalalaki mo,lahat ng masasakit na salita,tiniis ko lahat yon!Dahil akala ko,mapapatawad mo ako at maiisip mo na hindi ko gusto ang nangyari sa anak natin..pero mali ako.Nawalan din ako ng anak Vice!Hindi lang ikaw!pero imbes na samahan ako,mas pinili mong umalis sa tabi ko nung mga panahon na kailangan kita..na-nawalan din naman ako Vice.." 

Hindi na napigilan ni Karylle ang emosyon at tuluyan na syang napahagulgol sa harap nito.Pakiramdam nya bumalik lahat ng sakit na naranasan nya sa loob ng 2 taon na nagsama sila ni Vice bilang mag asawa.

"I-I'm sorry.."  was all Vice managed to say.Lumuhod sya para pantayan si Karylle na patuloy lang sa pag-iyak.Ikinulong nya sa dalawang palad nya ang mukha nito at marahang pinahid ang mga luha sa pisngi ng asawa.

"My life's a mess eversince the moment you left our home.I felt like hell eversince you left me.."
Sa kabila naman ng pag iyak ay nagawang alisin ni K ang hawak ni Vice sa kanya bago umatras at tuluyang tumayo.

"My life's a mess eversince the moment I met you.I felt like hell eversince the day  I said 'I do' to you."  walang emosyong ani K saka dinampot ang mga gamit nya .

"I'll send you the annulment papers this week.Alam ko kating-kati ka nang pumirma don kaya ako na mismo ang nag asikaso.Tapusin na natin 'to.Para makalaya na tayo pareho."



Itutuloy...

You Needed Me (A ViceRylle One-Shot Story)Where stories live. Discover now