“You’re doing what?”, napasugod siya sa kusina eyeing me.

“Popcorn”simple kong sagot atsaka pinatong sa stove ang gagamitin ko sa pagluluto.

“Geez! Woman you’re impossible!” sabi nya saka hawak sa bewang ko para mailayo niya ako sa harapan ng stove.

Huh ako pa ang impossible ngayon? Siya nga ang impossible. Siya ang may impossible power na pagsisirkuhin ang puso ko ng ganito, nasa isip ko habang hawak-hawak ko ang kumakabog kong dibdib.

At ano bang impossible sa pagpapakulo ng tubig para sa popcorn? Sabihin nyo nga?

 

~~~~~~~~~~~~~~

 

“Tss patayin mo na nga yan kung ngangawa ka lang ng ngangawa dyan”, sabi ni Mico habang kumukuha ako ako ng ikalawang karton ng tissue.

Napili kasi niyang panuorin ang A Walk to Remember. Ang rason nya  exciting daw ang movie kasi makakita daw siya ng movie na naglalakad lang ang mga bida.

Halos maihi ako sa kakatawa sa rason niya pero pinilit ko lang pigilan, baka mag-walk-out pa siya mahirap na.

Napansin ko na medyo bored siya sa movie pero since siya ang pumili ay pinagtatiyagaan na lang niya but when it comes to the part na nalaman na nilang may sakit ang babaeng bida ay nagsimula na ding umagos ang luha ko habang ang katabi ko naman ay napansin ko na nakuha ang kanyang atensyon at ngayon ko lang napagtantong ang nararanasan ng bidang lalaki ay naranasan din ng kanyang lolo at papa.

I glanced at him at nakita ko na parang ang lalim ng iniisip niya habang nanunuod ng eksena kung saan binibigyan ng bidang lalaki ang bidang babae ng kaniyang sariling bituin.

Hindi ko na makuhang mag-emote sa nakaka-touch na eksena sa movie since I am busy observing Mico at my side.

Hindi ko alam kung ano ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para abutin ang kamay niya and to my surprise ay hindi niya ito binawi.

I just held his hand hanggang matapos ang pelikula.

Walang umimik sa aming dalawa. Pareho lang kaming nakatingin sa monitor na sa kasalukuyan ang ipinapakita ay ang mga pangalan ng mga cast and crew.

Nang hindi na ako nakatiis ay binalingan ko siya.

“Are you okay?,” nag-alala kong tanong sa kanya.

“Why is he like that?”

“Sino?”

“That Landon guy in the movie.”

“What do you mean?,” I asked him interestedly.

“Why is it that…….. It’s like that he accepted what happened easily? Is that easy to be left someone who is important to you?”

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now