PAGKAKAIBIGAN ANG NATAGPUAN

2 0 0
                                    


Ang tula na ito ay gusto kong idedicate sa minahal kong kaibigan













PAGKAKAIBIGAN ANG NATAGPUAN



Sa isang sandali, napalapit ang loob ko sa iyo;

Nagsimula sa ngitian hanggang magpalitan ng kanya-kanyang payo;

Nagkaroon ng makukulay na imahinasyon at umabot sa ideyang bagay tayo;

Sa bawat hindi pagkakaunawaan ay may kaakibat na matamis na pagsuyo.


Ang mga mabubulaklak na sa salita na galing sa iyong bibig ay aking binibigyang pansin ;

Nagtatanong sa aking sarili kung may saloobin ka bang nais iparating ?

Sa puso mo rin ba ay may lihim na pagtingin ?

Halika't sabay nating linangin ang puso nating hirap umamin .


Isang araw , ako sayo'y nagtapat;

Ipinahayag ang aking damdamin habang ang palad ko sa kamay mo'y nakalapat;

Iyong binitawan ang aking mga palad , sinabi mong ako ay hindi sa'yo nararapat;

Ikaw ay akin pa ring nginitian at sinabing ako'y mananatiling kaibigan mong tapat.


Pagkakaibigan ang aking natagpuan,

Sakit sa puso ay inyo ng wakasan,

Nagsimula sa isang maling akalang imahinasyon ,

Nagtapos sa isang pasakit na ilusyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAGKAKAIBIGAN ANG NATAGPUAN (Tagalog Poem)Where stories live. Discover now