CHAPTER 8

49 1 0
                                    

Yakap ko sya ng mahigpit at parang ayaw ko na syang bitawan pa. Dahan dahan nyang kinalas ang kamay ko sa kanya. Nasasaktan na naman ako at alam kong masasaktan pa ko ng husto.

"Mahal kita Alexis" Ilang ulit ko ng binibigkas ang salitang yan at ngayon lang ako nakarinig nang isang napakasakit na sagot mula sa kanya.

"Im sorry. Hindi kita kayang mahalin" Tumayo sya ng maayos sa harap ko at ako ay tumungo lang habang umiiyak. Kinukurot ang puso ko sakit.

"B-bakit Alexis?" Pimipiyok na tanong ko.

"I......  i just cant , your important to me Khira." Ngayon ko lang sya narinig na banggitin ang pangalan ko. "At alam kong hanggang dun ka lang sa puso ko" Dagdag nya, Lalo akong napahikbi sa huling sinabi nya.

Bumaba ako ng motor at nagpunas ng luha. "Hatid mo na ko please" Nanginginig na sabi ko habang nakatungo. Nag buntong hininga ito at pinaandar ang motor. Sumakay na ko at muling yumakap sa kanya. One last hug dahil alam kong hindi na mauulit to.

Pag dating namin aya agad akong bumaba tumakbo ako sa gate at agad na binuksan yun nag deretso ako sa kwarto ko at dun ako humagulgol ng iyak. Sya ang kauna unahang minahal ko. Hindi man naging kami ay sya rin ang kauna unahang nanakit sa puso ko.


*Alexis*

Nandito ako sa teris at nilulunod ang sarili ko sa alak. Aaminin kong nasaktan din ako sa sinabi ko sa kanya pero yun ang tama para saming dalawa.

Limang canned beer na ang nakatumba at hindi man lang ako nakakaramdam ng hilo. Sana pala hard ang binili ko Tsk. Nag bukas ulit ako ng isa at uminom. Kinuha ko ang sigarilyo ko sa ashtray at humithit. Tumayo ako para kunin ang gitara sa loob tsaka bumalik sa pwesto ko. Tumipa ako at kumanta ng mahina.

Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman

Di ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago
Di mapigilan ang bigkas ng damdamin

Walang sagot sa tanong Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Kung may darating man na umaga
Gusto kita sana muling marinig
Ngiti mo lang ang nakikita ko
Tauhin man ang silid

Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Ikaw ang araw sa tag-ulan
At sa maulap kong umaga

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila

Napangiti ako at umiling tangina hindi ko alam kung inlove ba ko? Pero totoong importante talaga sya.
Nahihirapan na ko kung ano ba talaga nararadaman ko? Nawawala na ako sa sarili ko at nahihirapan akong hanapin kung nasaan ba ako.

"May sagot sa tanong kung gaano sya kahalaga. Hindi mo lang talaga tanggap sa sarili mo kung ano yun" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Napatitig ako sa mga mata nya ng sabihin nya yun. Tama sya sa doon. Napabuntong hininga ako at uminom. Inabutan ko sya ng isa at tinanggap naman nya yun.

"Hindi kami pwede" Pag amin ko.

"Lahat ay pwede. Kaso nga lang talagang may salitang 'Bawal' " Sabi nya. Napatawa ako ng mahina.

He's BeautifulWo Geschichten leben. Entdecke jetzt