"I'm Troy Mendez, naaalala mo pa ba ako?" Napaharap naman ako sa kanya

"Troy?"

God. Siya yung lalaking ayaw akong tigilan during my highschool days!

Tumalikod na uli ako tsaka mabilis na tumakbo.

"Hell! Hindi mo man lang ba ako yayakapin!? Namiss kita ng sobra!" Sarap niyang batukan sa sinigaw niya

Tumingin ako sa likod at lintik nga naman talaga yung lalaking yun, hinabol pa pala ako!

"Hell! Bakit ba pinapahabol mo ako!? Yan na ba yung gusto mo ngayon!? Nakikipaghabulan ka muna!?"

Sirau*o na ba siya? Kung ano-ano ng pinagsasasabi niya.

"Akin ka lang diba Hell!?"

Aish! Nababaliw na talaga siya! Malapit na ako sa kotse ko ng may nakabangga pa ako.

"San ka nanggaling? At bakit ka tumatakbo?" Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siya.

"May humahabol kasi sa akin" sabi ko at nagpunas ng pawis.

"Sinong humahabol sayo?" Maangas na sabi niya

"Bago yan, may panyo ka ba?" Tanong ko sa kanya at may kinuha naman siya sa bulsa niya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at the same time ay napangiti din ako.

Paano ba naman, siya kaya ang nagpupunas ng pawis ko.

"Dapat hindi ka nagpapakapagod" sabi niya habang pinupunasan yung pawis ko.

"Hell----- sino yang kasama mo!?" Oa na tanong ni Troy

"At sino ka naman?" Mayabang na tanong ni Sky

"Hindi mo pa din ba ako tatantanan?" Sabi ko kay Troy

"Hindi" sabi niya at umiling pa

"Ginugulo mo ba ang fiance ko?" Sky

"Fiance? May fiance ka na Hell!?" Gulat na sabi ni Troy

"Oo at ako ang fiance niya kaya pwede ba tigilan mo na siya dahil hindi siya magiging sayo" seryosong sabi ni Sky

Sa totoo lang, ang laki ng pinagbago ni Troy. Naging maskulado na siya samantalang ang payat-payat niya dati.

"Kung ang asawa nga naaagaw pa si Hell pa kaya?" Ngising sabi ni Troy

"Aba loko ka a-----"

"Sky! Stay calm!" Pag-aawat ko kay Sky. Balak atang sugurin si Troy.

"Troy umalis ka na lang" sabi ko habang hinaharangan si Sky gamit ang likod ko.

"Hell umalis ka muna diyan! Uupakan ko lang yang g*gong yan!"

Hindi ko muna pinakinggan si Sky.

"Basagulero rin pala yang fiance mo no? Don't worry, maaagaw rin kita sa kanya" sabi niya at kumindat pa bago umalis.

Like eew? Anong nakain ng lalaking yun?

"Bakit mo pinaalis yung g*go na yun!?" Inis na sabi ni Sky

"Parehas lang kayong g*go" sinamaan naman ako ng tingin ni Sky.

"Bakit ganyan ka magsalita sa akin? Parang hindi mo ako fiance ah! Mahal mo pa ba ako!?" I just look at him boredly.

"Are you done?" Sabi ko

"Argh! Alam mo bang ayaw ko ng ganyang pakikitungo mo sa akin?" Siya

"Really?"

"Hell naman! Hindi ako nakikipag-----"

Para matigil siya sa pagsasalita, ang ginawa ko ay hinalikan ko siya sa lips. Nakita kong nagulat siya.

"Yan, tumahimik ka din" sabi ko pagkatapos ko siyang halikan.

Ang cute lang, paano ba naman. Namumula siya.

"Ok ka lang?" Tanong ko pa sa kanya

"Lagi na lang pala akong magdadaldal para lagi akong may kiss sayo" binatukan ko naman siya.

"Aray ko ha! Para saan naman yun!?" Siya habang hinihimas yung batok niya

"Trip ko lang" sabi ko

"Pwedeng isa pa?" Tanong niya. Talagang nanghihingi pa siya ng isa.

"Aray!" Angal niya. Aangal siya matapos niyang manghingi ng isa pang batok. Baliw na ata siya.

"Sabi mo isa pa"

"Hindi yun yung tinutukoy ko! Yung halik hindi batok" reklamo niya at nagpout pa.

"Gusto mong mabatukan uli?" Tanong ko at agad naman siyang umiling

"Joke lang yun. Tara na nga!" Sabi niya at inakbayan pa ako.

Hay.

Someone's POV

Sige lang, magpakasaya ka na muna sa kanya dahil sigurado akong magiging akin ka rin.

"Boss, maraming bantay sa room ni Mr. Park" sabi ng isa sa mga tauhan ko

"Edi gawan niyo ng paraan para mapasok yun!" Nataranta naman yung tauhan ko.

"O-o-opo boss" sabi niya at nagtatatakbo palabas.

Mr. Park. Isa ka sa mga dahilan kung bakit hindi napunta sa akin si Hell. Kung hindi ka sana nagset ng arrange marraige para kay Hell at sa bwiset na Sky na yun edi sana mas napadali yung plano ko.

Malapit na rin, malapit na ring mapasaakin si Hell.

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now