CHAPTER 9: The Annoying Girl

Začít od začátku
                                    

"I have a name and it's Kier," sambit ko.

"Okay, Kier. I don't care," pasungit niuang sagot.

Ano kayang problema ng babaeng ito sa akin?

Pinaandar niya agad ang taxi at bumiyahe na kami.  Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko, pero parang gusto ko gumanti sa kanya at pag tripan din siya.

"Alam mo buti pa 'yong tatay mo mabait. Bakit hindi ka nagmana?" Tanong ko.

"Mabait ako. Sayo lang hindi," sagot niya.

"What?! What have I done to you? Tsaka teka, bakit parang alam mo yata na Law student ako? Ahh I see what's happening here. Interesado ka sa akin at pang aasar ang way mo para maging close tayo. Sorry pero may girlfriend na ako," payabang kong sambit.

"Excuse me? Ako interasado sayo?"  Tanong niya tapos nag kunwari siyang nasusuka.

"Hello! Hindi kita type no! Nakwento ka lang sa akin ni Papa kaya alam ko. If I knew na ikaw pala 'yong kinikwento niya, hindi na sana ako nakinig at hindi na sana kita sinundo," inis na sambit niya.

"Hindi ko din tinatanong kung may girlfriend ka na, but for your information, your honor, may boyfriend din ako no!" Dagdag pa niya.

"Alam ba ng boyfriend mo na boyfriend mo siya?" pang asar kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot at nanatili lang na tahimik.

Maya maya ay tila nagalit siya sa tanong ko at bigla niyang tinapakan ang preno ng sasakyan dahilan upang mauntog ako sa upuan.

Napahawak ako sa noo ko dahil medyo masakit ang pagkaka untog ko, "Aray! Ano ba? Ayusin mo naman 'yong pag mamaneho mo."

Natawa siya at bumawi sa pang aasar, "Oh sorry, panget, masakit ba?"

Nakakabadtrip na talaga siya. Ano bang trip ng babaeng 'to? Bakit kaya tuwang tuwa siyang pinag ti-tripan ako?

Biglang nag ring ang phone ko. Si kuya Gilbert ay tumatawag kaya't sinagot ko agad ito.

"Hello Kuya Gilbert?"

"Hello Sir Kier, nagkita na po ba kayo ni Valeng?" tanong ni kuya Gilbert sa kabilang linya ng phone.

"Opo kuya Gilbert, bumabyahe na po kami ngayon," sagot ko.

Biglang sumingit ang anak ni kuya Gilbert.

"Panget, si Papa ba 'yan? Paki tanong naman kung kamusta pakiramdam niya."

Pinagbigyan ko siya kahit may halong pangaasar ang paki usap niya.

"Kuya Gilbert, kamusta daw po kayo sabi ng anak niyo?"

"Paki sabi bumubuti naman na at huwag kamo po siya mag alala," sagot ni Kuya Gilbert.

"Sige po kuya. Get well soon."

"Salamat po sir Kier. Mag iingat po kayo."

Pagkatapos ay binaba ko na ang phone.

"Oh ano sabi ni Papa?"

"Okay na daw siya at huwag ka mag alala..." sagot ko at bigla akong tumawa ng malakas, "VALENG!!"

Hindi ko napigilang tumawa dahil sa pangalan niya, at inasar konpa siya nang inasar, "Valeng! Valeng! Valeng!"

"Valeng? Knock knock?" tanong ko.

"Shut up! It's Valerie. V-A-L-E-R-I-E!" sambit niya at inis na siya base sa tono niya.

Sa loob loob ko, nakabawi din ako. Pero hindi doon nag tatapos ang pag hihiganti ko. Hindi ko pa rin siya tinigilan kahit mukhang inis na inis na siya, "Sabihin mo who's there, dali!"

Until I'm Over You (Published under LIB)Kde žijí příběhy. Začni objevovat