Kabanata 1

50.4K 1.1K 20
                                    


Ilang linggo na nga bang naghahanap ng mapapasukang trabaho si Selene? Magdadalawang-linggo na siyang naghahanap ng trabaho ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring tumatanggap sa kanya. Nakakainis naman! Bakit ba kasi high school lamang ang natapos niya?

"Pasensya ka na, Miss. Hindi kasi kami tumatanggap ng aplikante ngayon." Sabi ng babaeng manager na katapat niya sabay balik ng resumé nito. "Next season pa ang Job Hiring namin." Ani pa nito.

Napahinga na lamang ng malalim si Selene habang sinusulyapan ng tingin ang resumé niya na ngayon ay lukot na. "Sige po, Salamat."

Naglakad siya palabas ng opisina. Balak niya sanang kumain sa McDonalds kung sakaling matatanggap siya sa trabaho, premyo niya sana ito sa kanyang sarili pero mukhang drawing na naman ang naisipan niyang plano.

Pagkarating niya sa kwarto niya ay agad siyang sinalubong ng kaibigan niyang si Zaira. Oo nga pala! Nangungupahan lang sa isang bed space si Selene. Simula kasi nang mamatay ang kanyang magulang noong nakaraang taon ay wala nang kumupkop sa kanya. Wala na rin siyang nakikilalang mga kapamilya niya na maari niyang hingian ng tulong.

"Waley na naman?" Tanong ni Zaira sa kanya.

As usual, umiling naman siya. "Nakakainis! Wala na yatang tatanggap sa akin!"

"Ano ka ba naman.." Ani Zaira sabay lapit sa kaibigan niya. "H'wag kang mawalan ng pag-asa Selene! Malay mo bukas, kapag nag-apply ka sa panibagong kompanyang pupuntahan mo ay matanggap ka na."

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango na lamang, "Sana nga."

GUMUHIT ang nakakalokong ngiti ni Shawn sa kaibigan niyang si Marvin nang makita niya itong umiiyak sa harapan niya.

"Walang hiya, Pare! Hindi ko matanggap! Ang gwapo-gwapo ko pero ipinagpalit lang ako ni Hazel sa baklang Terrence na 'yon!"

"Dude," Ani Shawn sa kaibigan niya, "In-love ka nga!" Natatawang sabi niya sabay batok sa kaibigan niya.

"H'wag ka ngang ganyan, Pare!"

Umiling-iling na lang si Shawn sa kaibigan niya at akmang iinom na siya ng Vodka nang lapitan siya ng isang sexy at magandang babaeng ngayon ay nasa tabi na niya.

"Hi, Baby Shawn."

Napakurap si Shawn habang tinitignan ang babae. Ang laki pala ng hinaharap nito!

"Can I seat beside you?" Sabi pa ng babae.

Hindi sumagot si Shawn, sa halip ay ipinagpatuloy niya na lamang ang pag-iinom niya. Ayaw na ayaw niya kasi sa mga babaeng katulad ng nasa tabi niya. Oo nga't maganda at malalaki ang hinaharap ng mga ito pero hindi niya talaga type ang mga babaeng hayok ibigay ang sarili sa mga lalaki.

Bilang lang sa daliri niya na pumunta sa Club. Kung hindi ba naman kasi nagpasama ang kaibigan niya ay hindi siya pupunta rito. Hindi kasi siya mahilig sa mga ganitong lugar, at isa pa mayroon naman siyang mga stock na alak sa bahay niya kaya hindi na niya kailangan pang pumunta rito kapag gusto niyang uminom at maglasing. Nagkataon lang na nagpapasama ang kaibigan niya.

"Baby, Can I touch your di—"

Hindi na pinatapos pa ni Shawn ang pagsasalita ng babae dahil tumayo na siya at inakay ang kaibigan niya. "Bro. Tara na, H'wag mong sirain ang buhay mo para sa isang babae lang. Mahal ka naman 'nun ni Hazel. Sadyang mas mahal niya nga lang si Terrence kaya ka niya pinagpalit!" Asar ni Shawn sa kaibigan na ngayon ay lasing na lasing na.

SHAWN {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon