Prologue

5 0 1
                                        

Pabili nga po ng 3 in 1 coffee sabi ng babaeng si Shiena habang  naka lapat ang siko at braso sa salaming istante ng bakery kung saan sya bumibili at sobrang nag mamadali,
.
Anu ba yan pati ba naman almusal ng babaeng yon ako pa mag aasikaso halos araw araw sila nag pupunta sa Grocery tapos wala silang kape?
.
Kapag naka graduate na talaga ako hindi kona pag ta trabahuhin si nanay don sa pamilyang iyon. Grabe pahirap sila sa nanay ko lalo na yong si Ma'am Donita este Donita lang pala hindi ko naman sya boss, hayst pero boss sya ng nanay ko.
.
Sana lang manalo kami sa Dance contest next week para maka tanggap naman ako ng pera na mapapanalunan mula sa contest.

Eto napo yung 3 in 1 nyo ms. Sabi ng tindero sa bakery
.
Naka tulala parin ang babae habang naka kalumbaba sa istante ng bakery
.
Ms. wag nyo naman diinan yung istante baka mabasag nyo po, eto yung kape nyo sabi ng tindero.
.
Ay sornaman o eto bayad ko sabi ni Shiena sabay alis.

Pag alis ng babae.

(Sa loob ng bakery)

Sino yon dre? Tanong ni Lance na anak ng may ari at siyang panadero sa bakery sa tindero nila,
Ewan ko boss madalang lang bumili dito yon eh, maganda sana kaso may pagka werdo sagot ng tindero nila na si Ferds,   werdo naman lahat ng babae nagtaka kapa sagot ni lance
.
Bitter ka naman boss eh hindi naman lahat, hanggang ngayon ba hindi mo pa tanggap na hindi kayo para sa isat isa ni Nita? Move on na boss. Bara ni Ferds

At nanlisik ang mata ni Lance at matalim na nakatingin kay Ferds.

Ayyyy boss may nasabi ba akong masama!?   Ahehe sabi ko nga eh
Mag tatrabaho nako bossing ang Gwapo mo talaga boss Lance bagay talaga kayo ni Donita, ang tanga lang nya Iniwan nya kayo dahil lang sa hindi kayo magka pareho ng life style at fashion pakampanteng hirit ni Ferds at muli lalong tinitigan ng matalim ni Lance at ngayon ay naka taas na ang kilay neto kay Ferds.
.
.
Ferds ...  Kalmadong tawag ni Lance

Bossing sorry na hindi ko naman sinasadyang sabihin syo ang mga bagay na yon ehh nag sasabi lang ako ng totoo bossing ninenerbyos na sabi ni Ferds,.

Ferds tawag ulit ni Lance.
Ferds
Ferds
.
Paulit ulit binabanggit ni Lance ang pangalan ng tindero nila sabay sabing,
Ferds, tinggan mo kung anu anong kulang sa mga paninda nating tinapay pra makapag masa nako at ng may mai display tayong tinapay Ferds.

Sabay hinga ng malalim nitong si Ferds sa pag aakalang galit ang kanyang bossing Lance sa kanya.

Yes boss. Sagot ni Ferds
Dapat ikaw ang uminom ng kape eh nang sa ganon magising ka sa katotohan pabulong pang hirit ni Ferds,

May sinasabi kaba Ferds? Tanong ni Lance.

Ay wala bossing binibilang ko lang yung mga pan de coco. Sagot ng kolokoy na si Ferds.

.

Nang mai hatid na ni Shiena ang kapeng ipinabili ng amo ng nanay nya,

Anak salamat sige ako na bahala dito pumasok kana sa eskwela baka ma late kapa sabi ng nanay Rita ni Shiena na syang kasambahay nila Donita.

Sige nay ingat ka dyan wag masyadong nagpapaka pagod nay.
Paalala ng dalaga

Anak tuloy paba ang Dance contest nyo sa susunod na linggo? Tanong ng nanay ni Shiena.

Opo nanay gagalingan kopo para sa inyo at sana maka panuod kayo. Masayang sagot ni Shiena.

Anak ayoko naman pang himasukan ang kaligayahan mo pero kalaban mo ang grupo ni Ma'am Donita mo diba? At ilang beses ka nabang natalo ng grupo nila sa tuwing isa sila sa mga nagiging kalaban mo.  Paala ala ng nanay nya.

Inay ang grupo lang nila ang kalaban namin mahigpit, kung sa ibang grupo naman hindi naman na namin kailangan mangamba, malay mo inay this time matalo na namin ang grupo nila diba? Sagot ni Shiena.

Gusto anak ipaki usap ko kay Donita na isali ka nalang sa grupo nila? Alok ng ina.

Nanay iyan ang wag na wag nyong gagawin, may tiwala ako sa mga kasama ko. Tugon ni Shiena. Sige inay aalis napo ako mag ingat po kayo dyan pahabol pa ng dalaga.

Step Into YouWhere stories live. Discover now