The Law

2K 18 1
                                    

"Tigilan mo ko sabi, e!" Inis kong banggit sa kanya habang naglalakad palabas ng eskwelahan.

Nandito na naman siya at nakabuntot sa akin. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang i-try na utuin ako simula ng mga nakaraang linggo. Sa palagay ko nga ay mag-dadalawang buwan na 'tong pagsunod niya sa akin mula sa university hanggang sa pagpunta ko ng gym.

Noong una ay tumabi lang siya sa'kin sa cafeteria hanggang sa araw-araw na siyang pumupunta sa building namin. Not that I care though. Napapansin ko lang talaga ang ilang beses niyang pagsilip sa room kung nasaan ako. Konti na lang ay iisipin ko nang inii-stalk niya 'ko.

"Come on, Emilia! I told you already, hindi ba? Di kita titigilan hangga't di ka pa pumapayag." Sabi niya habang sa nakasabay na siya sa akin sa paglalakad.

Kung hindi ba naman kasi napakahaba ng binti ng lalakeng 'to. Kahit anong gawin kong pagtakbo ay paniguradong mahahabol niya pa rin ako. So annoying.

"Pwede ba, Azrael?! Huwag mo nga akong sundan!" I exclaimed while continuing to run for my dear life.

Ilang linggo niya na akong kinukulit na makipagdate sa kanya sa Lifestyle District. Sa lahat ng pagde-date-an namin ay sa lifestyle district kung saan niya hilig tumambay at magparty. Ano ang gagawin namin doon? Iinom? Huwag na lang.

I still have many more lessons to study. Lalo pa't graduating ako ng College. Hindi ako pwedeng magpa-petiks lang at balak kong magtake ng Law. Hindi biro iyon kaya naman kailangan kong magfocus sa pag-aaral.

Nagulat ako ng mas bumilis ang lakad niya at napahinto na lang ako ng bigla siyang huminto sa harapan ko. Kumunot ang noo ko noong huminto siya at pinagmasdan ang mukha ko.

"No. I won't stop Emilia Rodriguez." Aniya habang nakatitig sa mga mata ko.

Habang nakatitig siya sa akin ay agad ko namang pinag-aralan ang mukha niya. Hindi kahabaan ang buhok niya at malinis ang gupit nito na nagpatingkad pa lalo sa gwapo niyang mukha. Ang mga mata niya naman ay parang kumikinang habang nakatitig sa akin. Matangos din ang ilong niya na kinaiinggitan ko. Ang mga labi niya ay basa at mapula. Kung hindi lang ako pipigilan ng panahon ay baka nahalikan ko na siya ngayon.

Damn, I'd kill to taste that kind of lips.

He's definitely a Montefalco. A guy with a well-built body, a face and height that could smash a runway and a personality that could melt all the girls in town.

And yes, he is Azrael Montefalco.

Agad akong napaiwas at napapikit ng mariin sa naisip ko.

Hindi pwede!

Siya si Azrael. Alam ko ang ugali niya at kung anong klaseng lalake siya. Hindi ko na mabibilang kahit kasama pa ang daliri ng mga magulang ko ang lahat ng babae na napaiyak niya. He is definitely merciless when it comes to girls.

Aaminin kong napakagwapo ng lalakeng 'to. Ang ibang babae ay lumuluhod para lang mapasa-kanya kahit sa loob lamang ng isang linggo.

Kung sakaling mahuhulog ako sa patibong niya, wala akong magagawa kung hindi ang umiyak at kaawaan ang sarili ko katulad na lamang ng mga babaeng nakikita ko sa bawat linggo na may inaawayan siyang babae.

No. I won't let that happen, Azrael. I won't let you enter my life — especially my heart.

"No, Azrael."

Pagkabanggit ko noon ay agad na nanlumo ang ekspresyon ng kanyang mukha. Halos hindi ko makita ang lalake na laging nakangiti ng nakakaloko sa mga babae.

My Law, His Case (An Azrael Montefalco One Shot) Where stories live. Discover now