Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ako si PRINCESS CRYSTAL JADE MONTECLARA call me CRYSTAL. 17 years of age.5'5 in height.4th year na ako this coming opening.
Kasalukuyan kaming bumibili ng mga gamit namin sa school ni Cassy ang Bestfriend ko.
Nagtransfer nga pala kamin ni Cassy sa DELA VEGA UNIVERSITY o DLVU.
May kapatid nga pala akong over protective si KING TRISTAN MONTECLARA.And speaking
Kuya King calling..
sinagot ko naman agad..
hello kuya
[hello baby--]
How many times do I have to tell you that I'm not a baby anymore
[okay...okay...chill]
Bakit ka nga pala napatawag?
[Nasaan ka ba ngayon?]
Nasa mall po bumibili ng school supplies kasama si Cassandra..Bakit po?
[lil sis..pwede mo ba akong sunduin sa airport ngayon?]
"Ahh okay lang po pero pwede ko bang isama si Cassandra?"saka ko tinignan si Cass na busy parin sa kakatitig sa poster ni Justin Bieber.Crush na crush niya kasi yun..
[okay lang ..]
Cge po..were be there in 15 minutes
[cge..ingat..bye]
Bye po
(END OF PHONE CONVO)
At inend ko na yung call tsaka ko pinuntahan ang bestfriend ko na halos matunaw na yung poster kakatitig niya.
"Hoy"sabi ko..pero hindi niya ako pinansin..mukhang mas mahal niya pa ata si Judtin Bieber kesa sakin na bestfriend niya..
"Aray ano ba Crystal?"sabi niya binatukan ko kasi.
"Kanina pa po kasi kita tinatawag.Pero nakatitig ka lang diyan.Bayaran na natin itong mga 'to at may pupuntahan tayo"sabi ko at nauna nang maglakad papuntang counter..
"San ba tayo pupunta?"
Akala ko hindi pa siya susunod sakin..
"Basta"sabi ko at binayaran na ang kailangang bayaran at nauna nang maglakad sa parking lot.
Dala ko kasi ang car ko.Sinundo ko lang kanina si Cass sa bahay nila.
Mayaman kami pero hindi kami yung tipong pinagmamayabang ang kayamanan namin. Pinalaki kami kasi nina Mommy at Daddy na wag magmayabang baka kasi isang araw mawala na lang yun.
Minsan nga naisip ko na sana hindi na lang ako naging mayaman..Simple lang yung buhay ko..Pero kahit na anong gawin ko hindi ko na mababago ang katotohanang mayaman kami.
Nakakairita kasi maraming nakikipagkaibigan sayo for fame o gagamitin ka o peperahan.Ayoko ng ganon,gusto ko kapag nakipagkaibgan sila sakin dapat totoo sila yung lagi dilang nandyan sa tabi mo at handang saktan ang sinumang magpapaiyak sayo.Ganun din ang gusto ni Cassy kaya siguro naging bestfriend kami.So back to reality.
Nandito na kami ni Cassy sa airport at kanina pa talak ng talak talak kung ano nga ba daw ang ginagawa namin si airport.
Pagkapark ko bumaba kami agad saka nagtungo sa loob kung saan naghihintay si Kuya.
Napakaarte din ng taong yun eh,ayaw pang maghintay sa labas
"Ano bang ginagawa natin dito.Magsasayang lang ako ng oras sana nakinig na lang ako ng mga kanta ni Justin myloves ko."
Hay nako,ayan na naman siya.
"Nandito po tayo sa airport kasi susunduin natin si kuya King" Nanlaki naman ang mga mata niyang tumingin sakin at nung di siya nagsalita pinagpatuloy ko ang sinasabi ko."At kung sa tingin mo pagsasayang lang ito ng oras pwede ka nang umu--"
"Kyaaahh bakit di mo sinabi sakin agad?MYGOD!!MAKIKITA KO NA ULIT SIYA KYAAAAHHHH!'putol niya sa sinasabi ko.At dahil sa pagsigaw niya tumingin na samin ang mga tao kaya hinila ko na lang siya.
Hinanap ko si kuya at ayun siya nakaleather at naka black pants.Kaya hinila ko na si Cassy papunta kay kuya King baka magalit pa,mood swing pa naman.
"KUYA"sigaw ko kaya napatingin siya sa direksyon namin at ngumiti.
"Ang tagal ah"sabi niya nung makalapit kami sa kanya
"Eh sa matagal kami eh,may magagawa ka pa ba?"pairap kong sabi..
Tinignan ko naman itong katabi ko,ayun tulala.Nakalimutan ko nga palang sabihin,crush na crush niya rin si kuya.
"Namiss kita Courtney"baling naman ni kuya kay Cassy..
Kaya ayun itong bestfriend ko parang mapupunit na ang bibig sa lawak ng kanyang ngiti...namumula pa.
"N-n-amiss din k-kita Tristan"sabi niya at nauutal pa...