FATE
RICHARD
"Needle..."
Inabot naman saakin ng aking assisstant ang hinihingi kong gamit. Halos patapos na rin naman ako dito sa inooperahan ko. I'm a surgeon, Neurosurgeon to be exact. Natanggal ko na ang mga tumors sa utak ng paseyente at sinisimulan ko ng tahiin 'to. Mahigit dalawang taon na akong neurosurgeon dito sa St. Paul's Hospital, ang pinaka sikat at pinaka malaking hospital sa buong bansa.
"Lazer.."
Mahigit apat at kalahating oras din ang tinagal nitong surgery ko. Nakakapagod pero worth it naman lalo na at alam kong marami akong natutulungang tao. Simula pa man, pinangarap ko na talagang maging isang magaling na doctor.
"Doc Faulkerson ako nalang po ang 'tatapos nitong operasyon alam ko pong pagod na at nangangalay na rin kayo."
Tiningnan ko ang aking assisstant surgen upang masiguro kung sigurado ba siya sa sinabi niya.Sabagay nakakapagod naman talaga ang apat na oras na pag oopera.
"Thank you Doc Guiza and good job team."
Tinanggal ko na ang aking mask at nginitian silang lahat bago lumabas ng operating room. Nang makalabas ako itinaas ko ang aking dalawang kamay para mag unat unat man lang. Nakakapagod na araw buti nalang last na yun na operation ko ngayong araw. Napatigil ako sa pag uunat ng mapansin kong may tao palang nakaupo sa waiting area. Inayos ko agad yung suot ko at nginitian ko agad sila. Isang babaeng nasa edad 40 na at kasama ang kanilang anak na lalaki na sa tantya ko'y 15 years old na.
"Pasensiya na po, nakalimutan kong andiyan po kayo. Naku, nakakahiya."
Sa harap pa talaga nila ako nag unat unat nakakahiya lang.
"Naku Doc , okey lang po yun. Kamusta na po ang asawa ko Doc?"
"Nay, maayos naman po yung naging flow ng operation. Sa ngayon po hintayin nalang po natin ang pag recover ni Tatay. Ililipat na rin po siya sa recovery room para po makita niyo na siya."
Ngumiti ulit ako upang mas pagaanin ang loob ng mag ina. Halos hindi ata kasi sila umalis dito sa waiting area para hinataying matapos ang operasyon sa sobrang pag aalala.
"Maraming salamat po talaga Doc, pag palain po kayo ng Diyos."
Binalingan ko ng tingin yung anak nila at pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at medyo ginulo ang buhok niya.
"Wala ho yun. Kaya ikaw alagaan mo sila Nanay at tatay mo ha?"
Tumango naman siya at ngumiti. Napaka sarap sa pakiramdam na may natutulungan ka at napapangiti kang tao sa araw araw.
"Sige ho Nay. Mauna na ako."
Nagpaalam na ako sakanila at naglakad na palayo. Salamat naman at makakapag relax na rin sa wakas ang kaso napahinto ako ng parang nag kakagulo sa may front desk. May babae doon na hawak hawak ang kwelyo ng isang nurse na lalaki. Kapansin pansin ang medyo marami raming pasyente ngayon. Dali dali akong naglakad papunta doon upang tingnan kung ano ang nangyayari sakto namang may dumaan na isang nurse sa harapan ko pinigilan ko siya saglit para makapagtanong mukhang nag mamadali siya kasi may dala pa siyang tray ng mga gagamitin sa operasyon.
"Anong nangyayari?"
Nabigla naman siya pero agad din namang nakabawi.
"Doc. may isang babae po kasing nag wawala doon. Hindi po ata na entertain ng ibang doktor kasi po madaming dinalang pasyente dito dahil sa isang aksidente sa kalsada.Inuuna lang po nila yung kailangang operahan kaso po hindi ata makapag hintay 'yong babae."
Binitawan ko na ang braso niya at nag pasalamat sakanya. Agad naman akong nag lakad papuntang front desk medyo naririnig ko na nga ang sinasabi niya kahit may ilang pulgada pa ang layo niya mula saakin.
"NASAAN BA ANG MGA DOKTOR NIYO DITO HA? TINAGURIAN PA KAYONG ISA SA MGA PINAKASIKAT NA OSPITAL PERO WALA ANG MGA DOKTOR NIYO! MAY MAMAMATAY NA DOON OH!"
Halos pasigaw na sabi ng babae. Ahh hindi, pasigaw na talaga. hayst . Hindi ba maitindihan ng babaeng to ang sitwasyon. Nako! Malapit na ako sa front desk kaya palakas ng palakas ang mga sigaw niya.
Nang makalapit ako hindi agad ako napansin ng babae busy kasi siya dun sa nurse na sinisigawan niya . tsk. tsk. tsk. *iling* *iling* *iling*
"tss. Annoying!"
Medyo nilakasan ko ang pagkakasabi ko no'n para mapansin niya na nandito na ang doktor na kanina niya pa hinahanap. Mukhang narinig niya naman dahil napabitaw siya dun sa nurse.
"Anong sabi mo?"
Nanlilisik ang mata niya nang tumingin siya sakin pero hanep lang ang ganda ng mukha niya para siyang anghel pero ang ugali ..wag na nating pag usapan
.
"Ang sabi ko annoying ka.tsk. Ano ang problema mo Miss at bigla bigla ka na lang gumagawa ng eksena dito?"
Dapat pa cool lang kahit nakakatakot ang mga titig niya para siyang mangangain ng isang buong baboy. Maganda nga ,asal gangster naman.tss. Naka itim pa siyang damit tapos itim na pants at nag eyeliner pa siyang itim. Gangster nga ata to. Nabaling ang atensiyon niya saakin at unti unting lumapit. Grabi ah , ang creepy niya.
"AKO ANNOYING? TSS. AT BAKIT HINDI AKO GAGAWA NG EKSENA DITO HA? EH AYAW NILANG GAMUTIN ANG KAPATID KO!YAN! YANG NURSE NA YAN KANINA NIYA PA AKO TINUTURO KUNG SAAN SAAN PERO WALA NAMAN AKONG NAKUHA!"
Tinuturo niya pa yung nurse kanina na takot na sakanyang lumapit. Halos mabingi na ako sa sobrang lapit niya na saakin habang sinasbi o mas tamang sabihing habang sinisgaw niya ang mga katagang yan. Kung hindi lang to babae eh. Sinalubong ko ang nanlilisik niyang titig. Hindi ako natatakot sakanya! Akala niya uurungan ko siya! Pwes. She's definitely wrong. Inilapit niya ang mukha niya saakin. Bakit ang bango niya kahit mukha siyang gangster? Napatingin ako sa maganda niya mata pababa sa mga mapupula niyang labi.Napalunok ako saglit , mayroon bang gangster na ganito kabango.
"Gagamutin mo ang kapatid ko o tuluyan ng mawawakasan ang lahi mo."
Natauhan ako ng bulungan niya ako. WTF! Tinatakot niya ba ako? Sinasabi niya yan habang nakatingin sa may babang parte ko. Akmang tutuhurin niya na ang pinakamamahal kong alam niyo na pero pinigilan ko siya at nagsalita.
"Nasaan ang pasyente?"
Langya ! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako sumuko sa isang babae. Ngumiti naman siya ng sarkastiko. Tss.. Nakakainis siya ! Kung hindi lang siya babae eh! Argh.
"Hayun mamatay na."
Tinuro niya yung babaeng nakasandal sa may bench at nakapikit. Sinundan ko siya papunta doon sa pasyente at agad na chineck ang vitals ng babae. Ganon din ang suot ng babaeng ito naka sleeveless na black at pants na black. Gangster ba talaga sila? Humihinga pa naman yung babae kaso nag durugo ang nasa may bandang tiyan niya. Mukhang nabaril ito ah.
"Anong nangyare sakanya?"
Tanong ko doon sa babaeng maangas na gangster. Naka pamewang lang siya doon sa may tabi ko.
"Malamang nabaril! Doktor ka ba talaga? Diba pag doktor unang kita pa lang sa pasyente alam na dapat nila kung ano an g nangyari."
Sabi ko na eh , dapat hindi na lang ako nag tanong.tss. Tinawag ko ang isang nurse na nadoon at ipinahanda ang operating room. Inayos na rin ng ibang nurses yung pasyente at handa ng operahan. Ipinatawag ko rin si Doc. Tuazon para siya na muna mag opera doon. Tiningnan ko ulit yung babaeng gangster umaasa na magpapasalamat siya saakin pero WALA! Tiningnan niya lang ako at inirapan pa ako. What the heck!
"Ganyan ka ba talaga Miss ha? Pagkatapos kang tulungan hindi mo man lang magawang magpasalamat?"
Tiningnan niya lang ako at sarkastikong ngumiti pagkatapos ay sinundan niya yung mga nagdadala sa kapatid niya. Iniwan niya ako ng hindi man lang nag papasalamat?!! The hell!
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Fate
ФанфикшнKapag nakilala mo ang isang tao ng hindi sinasadya nagkataon lang yun pero kung iniwan ka niya at bumalik siya para sayo , FATE ang tawag dun. Paano kung pag tagpuin ang dalawang taong mag ka iba ang mundong ginagalawan? Ang isa ay handang buhayin...
