"Ako si Mj Laurel, May angking kagandahan at tinitingala ng lahat. Kung balak nyo akong ligawan? Mamatay kayo sa tabi, hindi ako napatol sa kuto."
-pagpapakilala ko sa harap ng mga kuto charot ng mga lalaking kung makatingin sa akin ay parang inaangkin ako.
Hindi ako napatol sa kuto mygosh! Madudungisan ang katawan at mukha ko. Naglakad ako paalis sa harap nila.
"MJJJJJJJJJJJJJJJ"
Napabalikwas ako ng tayo, nako naman itong si bessy. Yes bessy ko ang sumigaw grabe ang sakit sa taenga. Masasapak ko ito e!
"Ano bang problema mo babae? Panira ka ng panaginip, ang ganda na umepal kapa!" Pagtataray ko sa kanya. Nakakainis nasira ang maganda kung panaginip.
"Sorry bessy. Huwag ka ng magalit ang Hot mo tumawag lang naman ang PINAKAMAMAHAL MONG BOYGRIEND" pagsigaw sa akin ni bessy napatakip nalang ako ng taenga.
"Huwag kang manigaw. Tapalan ko iyang bunganga mo ng napkin" pagtataray ko sa kanya.
"Yak bessy" sya
"Psh"
Kinuha ko ang cellphone ko sa kanya at tinignan kung sino ang tumatawag baka mema lang ni bessy e.
Marlon Panget Calling~
Ang sweet naman ng panget na ito. Kay aga aga natawag namiss nya naman agad ako.
Sinagot ko ang tawag at kinikilig ako. Hihihi!
"Goodmorning maganda" sabi ng aking mahal.
"Goodmorning din panget, bakit ka napatawag? Miss mo ako agad." Ako. Hindi naman sya pangit sa totoo nga lang sya ay MAGANDANG LALAKI. may abs,matangkad,kissable lips at may bisyo. Yes may bisyo ang boyfriend ko. Alam nyo kung ano? Syempre hindi ang bisyo lang naman nya ay ANG MAGANDANG SI AKO. Ayieee!
"Oo naman ganda miss na kita, magkita naman tayo mamaya. Magdate tayo" sabi ni panget
