1.

8 0 0
                                        

"uy matutuloy ba talaga yung plano mo? " tanong ko sa kaibigan kong si Lenny.

Summer ngayon. Alam namin na walang pasok kaso namiss namin ang school eh. Nandito rin kasi ang target namin.

"Huh? Bakit oo naman. " sabi ni lenny na may halong pagtataka ang tono.

"eeeeeehhhhhh kasi naman eh bakit ako?! " sabi ko sakanya.

Nandito kami ngayon ni Lenny sa soccer field nagpapahinga sa ilalam ng puno.

"bakit hindi ikaw?! " tanong nya pabalik sakin.

Aba't.

"Ano ba naman yan" grrrrr.... 

Pano ba naman kasi gusto daw niyang akitin ko si Ed Guetta. Duh asa naman siya na maakit ko yun noh. Napakamisteryoso kasi ng lalaking yun.........ewan ko ba bakit ako pumayag haay bahala na nga. Siguro dahil gwapo siya at hot. Sherep!

"Sus kaya mo yan noh! Ikaw pa ikaw kaya ang pinakamagandang babae dito sa school" sabi ni Lenny habang nakatingin sa mga naglalaro ng soccer.

Napa irap na lang ako sa kawalan.

"Hindi naman sa ganda nadadala ang lahat Len eh, at tsaka hindi ko pa alam kung maakit ko ba talaga yung lalaking yun" napabuntong hininga na lang ako.

Kaya ko ba talaga to?

"Ah basta maghanda ka na lang ngayon okay? " pagchecheer niya sakin.

"ya fine" walang gana kong sagot.

~~~

"hmmmm so MVP ka pala? " tanong ko kay Ed. Yup kay Ed, nagsisimula na ang misyon ko ngayon. Kaya heto ako nasa bleacher kung saan nakaupo si Mr. Famous/gwapo/mayaman/misteryoso at syempre suplado. Gago rin naman. Lol

"yah" hindi niya man lang ako tinitingnan.

Ano pa ba magandang topic?! Kanina pa ako dito ah?! Sana naman worth it to! Aaarrghhh.

"uhm so.... Anong favorite number mo sa electric fan? Hehe" WHAT A DUMB QUESTION!  wala na talaga akong matopic eh. Tngene nemen des.

"What the hell are you saying? " mahinahon ngunit mariin niyang pagkasabi.

"walang topic eh tsaka pwede bang sabay tayong kumain mamaya pleaseee" sabay puppy eyes, alam ko naman na maganda ako pero may tinatago rin akong cuteness noh!

"busy. " napanguso ako sa sinabi niya.

"Grabe ika isa lang naman" pipilitin ko talaga siya!

"No may kasabay na akong kumain" ani niya.

"sino?" tanong ko.

"teammates . " ikli niyang sagot.

"eeeeehhhh tayo munaaa" pagpilit ko sakanya.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko

What? Anong nakakagulat dun? An-  ah okay now I know

"Hoy kung ano-ano naman yang iniisip mo uy! " sabi ko sabay hampas sa braso niya. Woah ang tigas. Haha feeling close lang ang peg ko!

"tss ang ingay mo" sabi niya at iniwan akong nakaupo mag-isa.

Napanganga na lang ako sa ginawa niyang pag iwan.

"Aba't ang lalaking yun. Feel na feel niya talaga ang pagpapansin ko noh! Pwes saglit lang toh at sisiguraduhin kong sakin ang bagsak mo Guetta." bulong ko sa sarili. Confident ako eh.

Pumunta ako sa canteen at tinext si Lenny.

Bianca:

Hoy Lenny! Where na you? Nandito ako ngayon sa canteen.

Sent!

Maya-maya pa nagvibrate yung phone ko.

Lenny:

5 minutes.

Ookkkaayy.

Habang naghihintay ako di ko maiwasang mapalingon sa kabilang mesa kung saan nandun si Ed Guetta at teammates niya.

May mga babae ring kasama sa table nila. Oh well, sikat rin siguro yung teammates niya at tsaka habulin.

"Hi Bianca" napataas ako ng tingin nang nakita ko si Jake na nakatayo sa harapan ko.

Siya si Jake Suarez basketball player din.

"oh! Hi Jake! " I smiled warmly.

"Pwedeng makasabay? "

Huh?  Pero nandun yung teammates niya ah?

"Hindi Jake sorry pero may lakad pa kami ni Bianca eh" nagulat ako sa pagsingit ni Lenny pero nagpapasalamat at the same time naiirita na rin kasi ako kay Jake eh. Halatang papansin.

"oh, okay" malungkot niyang sabi at akmang lalayo na sa pwesto namin.

Naguguilty ako.

"Di bale Jake sa sususod na lang importante kasi eh bye!" sabi ko at sumunod na ni Lenny na naunang maglakad.

Nagsmioe lang siya at lumakad na palayo.

"Lenny saan tayo pupunta? " pagod kong sabi jusko naman higit isang oras na kami sa paglalakad hinihingal na nga ako eh pero itong babaeng to parang fully charge pa. Aish.

"Basta" sabi niya sabay linga sa kabilang daan. 100x na ata niya nasabi ang salitang "basta".

"Napapagod na ako Len. " arghh sakit na talaga ng tuhod ko.

"Magaaply ka Bi" nagulat ako sa sinabi niya

"huh? Pinagsasabi mo? " nagtataka kong tanong.

"Mag-aaply ka bilang isang tagahugas sa restaurant ni Guetta" sabi niya with her devilish smile. At parang confident pa siya sa sinabi niya.

Nalaglag ang panga ko at mabalis na umiling.

"AYOKO NGA! " ayoko.ayoko.ayoko. tsaka may restaurant pala si Guetta.

No FREAKING SHIZ!

Pero ayoko talaga noh!  May sarili akong atm card at mayaman naman ako at no way na manghuhugas ako err. That's so gross.

"c'mon Bi chance na natin 'to" with her puppy eyes. I rolled my eyes.

"Len alam mo naman na kahit paglinis ng desk ko hindi ko magawa! pinggan pa kaya?! " sigaw ko sakanya.

"kaya nga!  Sanayin mo na ang panghuhugas kasi bukas na bukas papasok kana sa trabaho para naman mawala yang boredom sa bahay nyo,  kung may tambay sa daan aba ikaw tambay rin sa bahay nyo tsk! " napailing na lang ako sa sinabi niya.

"FINE! " nagulat siya sa pagsigaw ko pero unti-unti ring ngumisi .

"that's the spirit! " sabi niya sabay palo ng pisngi ko.

"Aray! " sakit nun ah!










SCARED. Where stories live. Discover now