PROLOGUE ( revised )

1K 18 1
                                    

PROLOGUE ( revised )

"Syrup! What time is it?! Baka gusto mong bumaba na dyan?! Kanina pa akong itinetext ni Mama! Nasaan na raw tayo!"

I rolled my eyes upward upon hearing those from my oh-so-not-patient bestfriend, Tayden.

Napaka-nagger!

Heto na nga oh. Pababa na. Bakit ba siya nagmamadali? Ang aga-aga pa naman. At saka ano bang kaso kung ma-late siya? Malulusutan naman niya agad iyon dahil ako ang kasama niya.

Sa halos one and a half year kong pagiging manager ng grupo nilang Neon City, hindi pa siya nasanay sa akin. Mabagal talaga akong kumilos. At saka  we've been together since we're preschoolers. Para siyang timang.

Pagkababa ko at pagkalapit ko sa kanya ay binigyan ko kaagad siya ng malutong na hampas sa braso.

"Alam mo, ikaw, Tayden Arhi, nakakairita ka! Palagi mo na lang akong pinagmamadali." Naka-irap kong sabi sa kanya.

"Paano, ang bagal-bagal mo. Pagong."

"Tangina mo, boy. Kung ako pagong, ikaw matandang huklubang puti ang buhok. Gago nito." Nakakairita talaga! Walanghiya! Ang sama ng ugali!

Tawagin daw ba akong pagong?! Sa ganda kong ito?! Sa pagong niya lang ako ikukumpara? Kingina niya!

Hindi ko alam kung anong nalunok niyang bato at pinakulayan niya ng kulay puti ang buhok niya. Well, it's not that it doesn't suit him or he looks weird. Nanghihinayang lang ako sa itim niyang buhok. Mas gusto ko pa rin iyon para sa kanya.

He suddenly encircled his one arm around my neck and choked me slightly. "When will you stop that cursing habit of yours?"

I hissed as I spank his arm hard. "When you doesn't exists anymore."

Palagi na lang niyang sinisita ang pagmumura ko. Pakialam ba niya? Naiinggit siya? E 'di gumaya siya. Wala namang pumipigil sa kanya.

"Akala ko ba aalis na tayo? Baka gusto mo na akong bitawan, hijo?" Mataray kong sita sa kanya.

Kung mapagmadali ako, inam. Tapos ngayon na nandito na ako sa harapan niya, ayaw namang kumilos. Sira-ulo talaga ang isang 'to.

He hissed as he let go of me. He also put his both hands on his pocket. "Oo na. Tayo na."

Pagdating namin sa building kung saan naroroon ang iba pa niyang mga ka-grupo ay agad na kaming naghiwalay ng landas. Kailangan ko pa kasing puntahan muna si Tita Kash para idaan sa kanya iyong ipinagawa niyang cupcakes.

Since I was four or five, i'm not sure, kilala na nila ako. Tayden and I we're classmates since preschool up until highschool. We've just separated ways in college because I took up Engineering while he, on the other hand, took up Music, in Korea. I was left here in the Philippines. Pero kahit ganoon, hindi kami nawalan ng contact sa isa't-isa.

Twice a month rin siya kung umuwi kaya na-retain namin ang pagkakaibigan naming dalawa.

Papaakyat na sana ako sa executive office nina Tito Tao at Tita ng makita ko si Liquid, sa may hagdanan malapit sa fire exit. If I am not mistaken, may binobola na naman ang isang iyon. Napaka-playboy! Buti pa 'yung kapatid niya, hindi.

"Tita!" I cheerfully as I pushed the door of the room.

"Syrup! Kanina pa ba kayo?"

Umiling ako doon.

Years had already passed but she still looks young and beautiful just like the first time I laid an eye on her. She's my real definition of beauty and I really looked up on her. Idol ko siya sa maraming bagay.

The Archon's Love (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon