"Ano ba? Kung insecure kayo sa akin, ako lang ang kalabanin niyo! Wag kayo mandamay ng ibang tao!" ayan na't sumisigaw na rin ako. Eh nakakaasar na eh! Nasaan na ba mga guards dito?

"P8tang 8na! Ako ba ang sinasabihan mong insecure sayo?" -Tricia

"Ay hindi hindi! Si Carla at si Gail nga yung kinakausap ko eh! Nakakahiya naman kasing ipagsigawan yun sa harapan mo."

"Aba! Lumalaban ka na Lernie ah? Anong gusto mo?!"

At bago pa man ako makasagot ay isang sampal na agad ang nakuha ko mula sa kanya. Napahawak ako sa nasaktang pisngi ko pero hindi ko ipinakitang nasaktan ako. Tinignan ko lang siya sa mata at tinaasan ng kilay saka gumanti ng sampal.

I smirked when I saw her cupping her own cheek as she was looking at the floor. Sila Carla at Gail naman na nasa likuran niya ay tulala lang at halos di makapagsalita na tinitignan si Tricia.

Nagulat na lang ako nang tumawa na lang bigla ang Besty ko.

"Hahahahaha! Yan napala mo! Akala mo weak pagdating sa sampalan itong Besty Lernie ko ha? Oh? Nasaan ang boses mo ngayon Tricia ha?!" -Besty Hesy

Tricia just stopped cupping her cheek saka tumingin ng masama kanila Gail at Carla tapos nagsalita.

"Anong tinatanga tanga niyo diyan ha? Ba't di niyo sila lapitan at sapakin para sa akin?!"

"S-sabi nga namin." nag-aalangan na pagtugon ni Carla kay Tricia saka mabilis na nilapitan sa likod ko si Besty ko at pinagsasampal hanggang sa nagsabunutan na sila.

Sa akin naman? PInagtutulungan na ako nila Tricia at Gail. Nasasaktan na ako sa sunod sunod na paghila nila sa buhok ko pero wala pa akong balak magpatalo.

Syet! Ang sakit na!!! >_<

"Guards!!!" narinig kong sigaw na lang ng isang babae.

***Principal's Office

"Now, can you at least tell me what really happened?"

"Si Lernie po unang nanampal ma'am!" -Tricia

"Anong ako? Ikaw ang naunang nanampal Tricia! Napakasinungaling mo!"

Kaasar naman 'to oh! Ako pa ang maiipit ngayon dito?

"Si Tricia po ang unang nanampal sa Besty ko ma'am!" -Besty Hesy

"Hindi, si Lernie po talaga ang naunang nanampal ma'am!" -Carla

"Oo nga ma'am. Kitang kita po namin, si Lernie po ang unang nanampal!" -Gail

Syet! Pag ako nag transform, naku! >_< Magtitimpi na lang ako.

"Excuse me ma'am." Pasintabi ng secretary ni Principal. "May isang pong estyudante na nakakuha ng Video ng mga pangyayari. Ito po." tapos binigay nito ang cellphone kay principal.

Impermissible Love (Lesbian Stories)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt