Hannah's POV

"Whoever you are, Thank You!"

Lumapit na yung mga tao sakin nung pagkaalis nung mysterious guy. He wears a hoodie and a pants. Baka taga roon din siya. Hmp, di ko manlang napasalamatan. :(

Pero unti unti, umiinit yung paligid ko at ang hirap makalanghap ng air. Tsaka ko lang napansin na dinudumog na pala ako ng mga tao. Sheez, nawala ako sa sarili ko kakaisip sa guy na yun. He just saved me.

"HANAAAH!"

"OMG OMG! IDOL PA-PICTURE!"

"PA-AUTHOGRAPH HANNAH!"

"ANG GANDA MO POO!"

O.M.G. Dreams do really come true. Eto na ang matagal kong minimithi, ang masilayan ang mga fans ko face to face. Pa-picture dito, pa-picture doon, it really feels good. :'>

So thanks in disguise narin kay Jonas dahil sa blessing na ito. Wait, do I consider that mysterious guy as one of the 'blessing'?

"Miss Hannah, buti nalang may nakasalo sayo, akala namin natuluyan ka na."

"Oo nga eh, thanks sa guy na yun."

"Eh ano ho ba nangyare sayo miss Hannah? Kase bago ka mahulog humarap ka pa kay Jonas tapos yung mukha mo parang galit na galit."

"Ah, eh kase.."

Magsusumbong ba ko sa mga fans ko? Na minanyak ako ni Jonas. Pero paano na yung 'loveteam' kuno namin ni Jonas? Eh MEDYO dun lang naman nakasalalay ang career ko, at niya. Kunsensya ko rin lang. -_-

"Kase, inasar nya ko na baboy."

Grabe nagsitawanan sila. Yung pagtawa nila akala mo ba naman parang wala nang bukas? HAHAHA! I cannot believe that I could make them laugh as this. <3

We're on the middle of our laugh-out-loud session nang gumitna si manager Art together with my bodyguards.

"Excuse me, excuse! Hannah! Nandito ka lang pala bakit hindi ka manlang humingi ng tulong? Paano kung nakidnap ka? Or natuluyan ka?"

"Pero manager─"

"No buts. Let's go!, fuck that Jonas"

Malakas na bulong ni Manager na ikinagulat ko ng sobra.

"Manager! Baka marinig nila!" sita ko sa kanya. Pero inirapan niya lang ako at hinila na ako papalayo sa mga fans ko.

I made my last wave sa kanila at agad naman silang nag-respond ng wave din. Pakiramdam ko I gained instant friends at Bulacan.

Sumakay kami sa van at agad akong kinamusta ng mga kasama ko.

"Hannah ayos ka lang ba? G*go yung Jonas na yun ah! Reresbak na ba kami?" Sabi ng make-up artist ko, her or HIS name's Mimi. Mirando noong totoy pa siya.

"Grabe ha, OA masyado."

"Pero Hannah, sumosobra na siya." Seryosong sabi ni Manager.

Nanahimik nalang kaming lahat. Wala naman kaming magagawa eh. Hindi namin pwedeng ipagkalat na minanyak ako ni Jonas dahil dito nakasalalay ang career ko. Hayst.

After 30 mins na biyahe, nakarating kami sa Manila. So far according to manager eh vacant ang schedule ko. And today's Friday. And I smell GIM─

"Go to your condo and have a rest, and NO.GIMMIKS."

Wth, but─

"Pero manager!"

"No buts! You need to have a rest! May pictorial ka pa sa Sunday."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Bodyguard BoyfriendWhere stories live. Discover now