Prologue

22 1 0
                                        

First Person Pov.

Walangyang baklang yun, hindi man lang ako hinatid!
Matapos akong utangan para may pandate sila ng jowa niya unggoy, nag fly away agad!

Sa susunod talaga hindi ko na pauutangin yun, sinama sama ako tapos pauuwiin din pala akong mag isa!
Peste talaga!

Porket may lovelife na siya kinalimutan na nila ako , mga walangya talaga!

Mag brebreak din sila!

"Walang poreber!"- sigaw ko sabay alulung ng mga aso.

Bigla akong kinilabutan.
Dahil dun kaya binilisan ko agad ang lakad ko mahirap na mahal mag painjection no'
Kaso bigla naman akong natapilok, takte talaga oh!

Ano ba namang buhay to oh?!

Aytss!

Kaasar!

Sabay sipa ng malakas maliit na bato.

Pero dahil nga sa napalakas ang sipa ko para itong nag slowmotion sa paningin ko at nadali nito ang side mirror ng isang van nakaparada!

Paktay kang bata ka!

Basag ang salamin.. Omygee talaga!

Fudge!
Paano to?!

Wait!
Kalma lang.. Kalma..
Tinignan ko ang paligid..
Kaliwa clear
Kanan clear
Harap and likod clear!
Shems, buti na lang!

Medyo nakahinga ako ng maluwag...

Tuluyan na sana akong aalis ng may marinig akong kalabog sa loob ng warehouse kung saan nakaparada ang van.

Maya maya pa'y may narinig akong kalalakihang nagtatawanan, na mukhang papalabas na ng warehouse kaya agad akong nagtago sa may gilid ng basurahan.

Apat na kalalakihan ang nakita niyang lumabas sa warehouse puro nakabonnet ito kaya naman hindi ko makita ang mga mukha nila.

Bigla akong kinabahan, dahil mukhang makakasaksi pa ata ako ngayong gabi ng isang kremin.

Nag labas ng cellphone ang pinakamatangkad sa grupo, maya maya pa'y may kausap na ito sa cellphone.

"Hello boss! Ihanda mo na ang pera tapos na namin ang pinapagawa mo, susunugin na lang namin ang warehouse..malinis kaming mag trabaho boss kaya naman siguraduhin mo ding marunong kang tumupad ng pangako..tsk.sayang na bata ang gwapo pa naman" sabay halahak nito.

Kinilabutan ako para siyang demonyo kung humalahak. Para akong nanonood ng horror movie na live.

Kunsabagay demonyo nga naman talaga siya, may pinapatay sila, at anung gagawin ko?!

Tatawag na ba ako ng pulis?
Oo tama!
Dahan dahan kung kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa,

Kaso putakte!

Lowbatt!

Kung ano ano ng pumapasok sa isipan kung pwdeng gawin pero, hindi ako makagalaw lalo na ng bigla na lamang siyang tumingin sa deriksyon ng pinagtataguan ko!

Shete talaga!

Ang kabog ng puso ko parang sasabog!

"Yes, boss!" biglang seryoso niyang sagot.
Maya maya pa'y pinatay niya na ang kanyang cellphone.
At sinusubukan akong hagilapin.

Lahat na ng santo tinatawagan ko bes!

Unti unti na siyang papalapit sa deriksyon ko napapikit na ako, tuluyang nanalangin dahil, ilang hakbang na lang ay tuluyan na niya akong makikita.

Oh God please save me!

"Boss! Tapos ng buhusan ng gas ang buong warehouse!" biglang tawag sakanya ng isa niyang kasamahan.

Shete!
Gusto kong yakapin si Kuya!

"Magaling! Silaban niyo na yan!"- utos niya.

Pagkasabi nito'y agad naman ng nag labas ng Lighter ang isang lalaki saka inihagis sa loob.

Bumalik na sa kanyang mga kasamahan ang lalaki, kasabay ng pag sigaw niya ng----

"Paalam Ginoong Geun seok!" sabay halahak ng napakalakas.

Nanlaki ang mga mata ko napatutup ng aking bibig
Unti-unti ng nagliliyab ang warehouse.

Samantalang ang mga kalalakihan ay tuwang tuwa itong pinagmamasdan at nakuha pa nilang mag selfie.
Nakakakilabot sila.
Mga demonyo't halang na ang kaluluwa.

Nag ring muli ang cellphone ang lalaki.

"Ano boss, gwapo namin di 'ba boss?" at muling dumadagundong ang kanyang halahak.

Hindi ko na narinig ang iba nilang usapan.

Sumakay na sila ng van at mabilis na nilisan ang lugar.

Unti-unti na akong tumayo

Nagpakatatag ako.
Kailangan ko siyang iligtas.

Tinignan ko ang paligid.
Naghanap ako ng pwedeng makakatulong sa akin.

Tubig kailangan ko ng tubig!
Nilibot ko ang paligid ng paningin ko and bingo!
May ilog!

Tinanggal ko ang scarft na nakapalibot sa leeg ko at dali daling binasa ito sa ilog.

Nang matapos ay agad na akong tumakbo sa may warehouse at buong lakas loob na sinuong ang loob nito.

"Hoy, wag kang mamatay! Ililigtas kita!" sigaw ko.

Sobrang kapal na ng usok kaya naman hirap na hirap akong hagilapin ang taong yun.

Unting uti na ring nagbabaklasan ang mga kahoy sa paligid.

Nanghihina na ako, pero hindi ko pa rin siya makita, sobrang init na, para akong iniihaw.

Hanggang sa may narinig akong ubong naghihingalo.

Naging alisto ako.
Umikot.
Hanggang sa maaninag ko siyang nakatumba sa upuan, habang nakatali sa pinakagilid ng warehouse kaya naman pala hindi ko agad siya nakita.

Dali dali akong lumapit kanya at kinalasan siya.
Bugbug sarado ang buo niya mukha at katawan.
Sinubukan ko siyang itayo.
Ang bigat niya putakte!

"Bes, kapit lang mabubuhay ka." pag checheer ko sakanya.
Pero di siya umimik.

Malayo ang labasan mula sa pwesto namin, at malakas na masyado ang apoy.

Pero hindi ako susuko.

Mabubuhay kami!

_______________________________
To be continue....

Вы достигли последней опубликованной части.

⏰ Последнее обновление: Nov 01, 2016 ⏰

Добавьте историю в свою библиотеку, чтобы получать уведомления о новых частях!

My SaviourМесто, где живут истории. Откройте их для себя