Pasensya na

2.9K 54 5
                                    

Patawad, patawad sa mga nagawa ko. Alam kong mali ako, pakiusap bumalik kana sakin. Bumalik kana.

"Miss, oh panyo"
Naaalala ko pa ang unang salitang sinabi mo sakin. Nihindi ka nagtanong kung okay lang ba ako dahil alam mong hindi. Nasa isang parke ako nun, dahil magkaaway kami ng mga magulang ko.Hindi kita pinansin nung mga oras na yun dahil hindi naman kita kilala, pero kahit anong pangbabalewala ang gawin ko sayo ay hindi mo parin ako tinatantanan. Kaya wala na rin akong nagawa kundi kuhanin ang panyong inaalok mo.

Simula nun ay naging magkaibigan tayo, lagi kitang kasama. Naging tambayan natin ang parke na kung saan tayo unang nagkita. Masayang masaya ako lagi noon nung mga oras na kasama kita. Lagi tayong nagkukulitan at kantsawan.

Naalala mo pa noon nung sinabi mong magaling akong kumanta? Kaya simula nun ay lagi mo na akong pinapakanta dahil sabi mo ang boses ko ay parang isang anghel. Lagi kang nakatitig sa akin sa tuwing ako'y iyong pinapakanta lagi ka ring nakangiti ng wagas.

Isang araw ay napadpad tayo sa isang building na nagpapaaudition sa mga gustong maging singer. Saktong sakto ang edad ko para sa edad na gusto nila. Kaya ang sabi mo ay magpalista ako. Nung una ay tumututol ako sayo dahil alam kong hindi naman ganun kaganda ang boses ko para makipagkumpitensya sa mga ganun. Pero pinilit mo parin ako. Naaalala ko pa yung mga salitang sinabi mo sakin non para mapilit ako.
"wag kang magalala, maganda kaya boses mo."
Dahil sa pangungulit mo ay wala akong nagawa kundi sumali.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natanggap ako. Tuwang tuwa ka noon, yung tipong mas natutuwa kapa kesa saakin. Sinabi mo sakin na ang galing galing ko. Sobrang saya ko nun nung nakita kita kung gaano ka kasaya para sakin. Inilibre mo pako ng ice cream noong araw na yun diba? Hinding hindi ko makakalimutan yun.

Isang araw ay may nagrecruit sa akin na isang kompanya na papasikatin daw ako. Ikinuwento ko yun sayo at ang sabi mo ay kuhanin ko na ang oportunidad. Sabi mo pagsumikat ako ay ikaw ang magiging number one fan ko.

Tinanggap ko ang alok nya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumikat ako. Nawawalan na ako ng oras sayo ng dahil sa maraming concert na pinupuntahan ko. Hindi na kita nakakausap dahil sa mga sunod sunod na guestings ko sa mga TV shows.

Isang araw nabalitaan ko ay napagtripan ka daw sa isang eskinita habang papauwi ka ng alas onse ng gabi.Eskinita na malapit sa parke kung san una tayong nagkakilala. Nakalimutan ko kasing niyaya mo ako nung gabing yun para icelebrate ang friendship anniversary natin. Nung mga oras na naghihintay ka sa parke ay ang mga oras na nasa studio ako at nagpaparty dahil sa bagong labas kong album. Nakalimutan kita. Nakalimutan ko yung mga pangako na binitawan ko sayo noong hindi pa ako sikat. Sabi ko sayo noon, hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Pero ano na ngayon? Namatay ka ng dahil sa kapabayaan ko. Namatay yung naiisa kong bestfriend ng dahil sa nakalimot ako.

Hindi ko sinasadyang maging ganito tayo. Patawad sayo, patawad sa lahat ng ginawa ko. Alam kong hindi ko na mababago ang mga nangyari. Pero sana ay mapatawad mo ang katangahan ko. Pasensya na.

PASENSYA NA.


[Wakas]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pasensya na[OneShot]Where stories live. Discover now