Ang daming estudyante ng araw na iyon. Halo-halo na ang first year students to fourth year. Abut- tenga ang ngiti ko. May pagkalaki-laking tarpaulin ng pagbati mula sa pamunuan ng paaralan. Angsaya-saya naman. Pumapailanlang ang tugtugin ng mga sikat na KPOP Idols. Pati ako ay napapasayaw. Atleast may isang araw na hindi ko makikita ang mga bully. Siguro ay nasa tabi-tabi lang sila. Naghahanap ng bagong mabibiktima o kaya ay nag-i-enjoy din tulad ng iba pang mga estudyante.



"Max, angsaya-saya naman..."


"Sus, anong bago? " Hinila ako ni Max sa isang plantbox. "Violet, labas tayo ng campus. Manuod tayo ng sine." Bulong niya sa akin. Ang aga-aga pa kaya para manuod ng sine. Sarado pa ang mga sinehan. "Mamaya tayo lumabas."


"Hindi tayo palalabasin. Ito naman. Maghigpit ang mga guwardiya ngayon." Hindi lang sila ang mga estidyanteng nag-iisip na makaeskapo sa Trinity High. May ibang sumubok na nabisto at nasuspende. Nagdabog si Max.



Abalang-abala ang mata ko. HInahanap ko ang aking bagong crush... si Milo Ramirez. Nagulat ako kay Sadam ng hilahin niya ako hanggang sa Marriage Booth.



"Sadaaammmmm, ano ba? Bitiwan mo nga ako..." Napalingon ang ilang mga estudyante. Natatawa sa iskandalosang bibig ko. Kasi naman, ayokong magpakasal kay Sadam. Hay naku, todo-rescue ang aking friendship....


"Itigil ang kasal..." Me ganoong sigaw... Joke lang... nagmadali si Max para pumagitna sa amin ni Sadam habang nangyayari ang seremonya. Hinila niya ako papalayo ng booth na iyon.


"Max naman. Ikaw naman, hindi mo man lang ako pagbigyan na pakasalan si Violet kahit man lang sa Marriage Booth."


"Eh bakit basta ka na lang manghahablot ng babae? Bag ba si Violet? Snatcher ka ba? Kidnapper?" Hala, nagulat ang lahat. Natatawa sa nariirnig na diskusyon nilang dalawa.


"Sino ba ang ipinaglalaban ni Max? "Tanong ng isa.


"Si Violet..."


"What si Violet? YUn.. Yung babae na yun..."Grabe ang tawa nilang dalawa. "Sumakit sana ang tyan ninyo" Saka ko sila inirapan. Nakakainis naman kasi si Max eh.


"Maxxxx... Halika ngaaa..."Hinila ko siya sa tinaguriang secret garden. Sina Apollo at Philosophy ang nagbigay ng bansag sa lugar na iyon. Dinala ko doon si Max para mahimasmasan siya. "Ano bang problema mo?"


"Magpapaalam muna siya sa akin kung gusto ka niyang pakasalan sa Marriage Booth." Hala, anong nangyayari sa kanya?


"Ang kill joy mo. Hoy eh ano naman? Totoo ba 'yon ha! Totoo ba 'yon?"


"Bakit ? Gusto mo din? Eh di sige, habulin mo si Sadam. Sige, punta ka na doon" Ipinagtulakan ba naman ako. Natapilok tuloy ako. "Violettt! Sorry..."


"Ano bang inirereklamo mo?"


"Sorry, nagulat lang ako. Tsaka, ayokong magpakasal ka sa kanya. Mamaya tayo magpapakasal"


"Sus, magpakasal kang mag-isa mo..." Iniwan ko siya sa secret garden pero syiempre sinundan ako ni Max. Hindi niya ako tinantanan at sinigurado niyang hindi ako mawawala sa kanyang paningin. Para siyang paranoid na stalker. Hay, hindi ko yata mai-enjoy ang celebration naming ito.



Dahil doon ay beast mode na si Max. Kabuntot ko siya buong maghapon, nakasimangot, walang imik at irritable. Pinapatulan sina Bojo at Red.



"Violet, pauwiin mo na nga si Max. Kanina pa siya ha. Malapit ko na siyang masapak." Sabi ni Bojo.


"Huwag mo na kasi siyang patulan."



Hindi ko alam basta inilabas ko muna si Max para makahinga ng maluwag ang mga tao sa loob. Toxic kasi itong si Max. Hay... Nakita ko si Manong Sorbetero .... Naisip ko na baka sa ice cream ay mawala ang init ng ulo ni Max.



"Manong , dalawang ice cream in cone...."


"Sure, Miss Maganda..."Sabay kindat sa akin.



Kumakain lang kami ng ice cream sa labas ng gate. Hindi ko alam kung ano ang naisipan niya at sinaluhan ako sa ice cream cone na kasalukuyan kong kinakain . OMG! Muntik akong himatayin sa ginawa niya. Dumikit ang labi naming pareho sa ice cream. Titig na titig siya sa akin. Bigla akong napangiti at huminga ng malalim. Muntik akong maputulan ng hininga . Kumain lang ako at binalewala pero isinuksok ni Max ang kanyang kamay sa aking nakalugay na buhok. Akala yata ni Max, ice-cream ang nilalantakan niya pero labi ko na pala.



Nagkaroon tuloy ng malakas na kantyawan sa ice cream cart. May mga kaklase pa naman kaming nakapila para bumili rin sana pero naiskandalo kami sa ginawa ni Max.



Walang ginawa si Max kundi magsorry ng magsorry. Syiempre pinatawad ko naman si Max. Hindi ko siya matitiis.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now