Anywhere But Here [One Shot]

Depuis le début
                                    

"Masaya mag-foodtrip dito! Masarap na, mura pa!"

Naglalakad kami nang madaanan namin ang isang stall na puno ng kakanin.

"Dalawa nga po nito," sabay turo ni Tina sa puting kakanin.

Agad naman n'yang inabot sa'kin 'yung isang plastic nung binili n'ya.

"Ano 'to? Suman na flat?" tanong ko na nagpatawa na naman sa kan'ya. Alam kaya n'ya kung gaano kaganda ang tawa n'ya at kung gaano kasarap sa pakiramdam na ako nakapagpatawa sa kanya ng ganun?

"Palitaw ang tawag d'yan, Enzo! Alam mo 'yung bigas na ginagamit sa champorado? 'Yung malagkit? Powedered na ganun ang ginagawang ganyan! Dali tikman mo. Yan isawsaw mo sa asukal," pag-eexplain n'ya bago sinubo 'yung kinakain n'ya.

"Dapat 'yung bibingka o suman nalang d'un ang binili mo! Baka 'di ko gusto 'to," sabi ko naman.

"Wag ka ngang maarte! Mas masarap 'yan kesa sa suman at bibingka mo! Go na. Isubo mo nalang," pag-pupumilit n'ya

Binuksan ko 'yung plastic at kumuha ng isang piraso nung sinabi n'ya at sinawsaw dun sa asukal. Malagkit s'ya sa bibig. Para ngang suman pero hindi buo 'yung kanin. At oo, mas masarap nga kaysa sa suman.

"Masarap 'di ba?" sabi n'ya.

"Oo. First time ko 'to," sagot ko.

"Ang galing ko talaga! Sabi na magugustuhan mo 'yan eh! Bakit kasi di mo 'yan alam eh!" nagmamalaki pa n'yang sabi.

"First time ko nga sabi dito! Saka hindi naman ako kasing takaw mo," sagot ko.

"Obvious nga! Tara marami pa dito," sabi naman n'ya at hinila ako papunta sa katabing stall nung binilhan namin ng kakanin.

Pumila kami d'un. Mukhang masarap ang tinitinda dito kasi mahaba talaga ang pila. 'Yung iba pa, makikita mong isang plastic na malaki talaga 'yung pinaglagyan ng binili nila. Nang kami na ang nasa unahan, agad na bumili si Tina.

"Kuya, dalawa nga pong pilipit," sabi n'ya, at pagkatapos ay inabutan siya ng lalaki ng isang plastic na may lamang kung ano na nakabalot sa dahon ng saging.

Nagpasalamat naman s'ya at umalis na kami.

"Oh, sa'yo 'tong isa. Pilipit ang tawag d'yan," sabi n'ya.

Napatawa naman ako, "Bakit gan'un ang mga pangalan ng pagkain dito? Pilipit tapos kanina palitaw."

Ngumiti s'ya, "Ewan ko rin pero kasi tingnan mo, twisted 'yan! Kaya pilipit! Mukhang pretzel diba? Pretzel na kakanin na may caramelized sugar! Masarap 'yan!"

"Hindi kaya mukhang pretzel! Mukha ngang number eight eh!" sagot ko naman.

"Kainin mo nalang nga at tumahimik ka na!" sabi n'ya.

Kinagat ko naman 'yung inabot n'ya sa'kin.

"Oy masarap!" sabi ko.

"Sabi sa'yo eh," sabi n'ya.

"Bili pa tayo nito. Mas gusto ko 'to kesa sa palitaw!" pag-aaya ko.

Marami pa kaming kinain bukod sa palitaw (na kaya pala tinawag na palitaw kasi niluluto s'ya sa tubig, tapos pag lumitaw na s'ya, ibig sabihin luto na) at pilipit. Nakakain din ako ng kalamares (na squid pala tapos sikat daw pero first time ko talaga), carioca (rice kebab sa mas maayos na salita), sapin-sapin (kakanin na malagkit na layered), betamax (dugo ng baboy daw ata) at helmet (ulo ng manok).

Ayaw ko na sanang matapos ang gabi. Tipong kahit busog na busog na ako, handa akong kumain pa h'wag lang matapos 'to, pero unfortunately, kailangang matapos.

Nakasakay na ulit kami sa jeep pauwi sa kanila. Ihahatid ko muna s'ya bago ako tumuloy sa bahay, at saka ayoko pa kasi talagang bumalik.

Maya-maya, nandito na kami sa tapat ng bahay nila, at ilang minuto nalang, kailangan na naming maghiwalay at tapusin ang araw.

"Salamat, Tina," sabi ko.

Ngumiti s'ya, "Basta. 'Pag gusto mong pumunta kahit saan maliban sa inyo, ready ako!"

"Sige, alis na ako," sabi ko.

"Bye! Ingat ka!"

Sanay na ako d'un. Sa 'Ingat' na lagi n'yang sinasabi sa best friend n'ya. Sa 'ingat' na hinihiling kong madugtungan pa sana.

"Ingat rin." sagot ko, hinihiling na balang araw, may kasunod pa rin ito, saka ako umalis.

*

Dumating ako sa bahay. Wala na ang mga nakakalat na pinggan, maayos na uli ang mga silya at tahimik na sa kabilang kwarto. Dumeretso ako sa kwarto ko, humiga at sinubukang matulog.

Pero biglang nag-ring ang phone ko. Si Tina tumatawag.

"Tina?" sabi ko.

"Enzo, kailangan kita," mahina n'yang sabi.

"Ha? Nasa'n ka? Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.

"Ahehe. Hindi ako makatulog, Enzo. Kantahan mo ako," natatawa n'yang sabi.

Huminga ako ng malalim, "Okay, okay."

"Tonight is the one thing left
And I haven't said it yet, I'm falling
And the writings on the wall.

Today was misery
And I just can't believe this happened
And I finally broke down
She held onto my heart
But now my only star is falling
Its burning to the ground"

I can hear her breathing sa kabilang linya. Ang sarap pakinggan ng paghinga nya kahit through phone lang.

"Secret love, my escape
Take me far far away
Secret love, are you there
Will you answer my prayer

Secret love, my escape
Take me far far away
Secret love, are you there
Will you answer my prayer
Please take me anywhere but here
Anywhere but here"

Nag matapos ang kanta, hindi s'ya nagsasalita kaya inassume ko na tulog na s'ya.

"Thank you, Tina, sa araw na 'to, sa mga araw na dumaan at sa mga araw pang darating. Salamat kasi dinadala mo ako sa mga lugar na nakakapag-ayos ng lahat sa'kin, pero, Tina, handa akong manatili sa iisang lugar lang. Sa lugar na pipiliin ko pa rin out of other places. At saan 'yun? Sa tabi mo, Tina. Mas gugustuhin ko sa tabi mo kesa kahit saan pa.Good night, Tina. I love you. "

Ibaba ko na sana ang phone nang marinig ko ang kanyang buntong hininga.

"Punta ka dito - sa tabi ko. Sabi naman sa'yo pag gusto mong pumunta kahit saan maliban sa in'yo, ready ako 'di ba?" at tumawa s'ya ng mahina, "I love you, too, Enzo."

fin.

**

 Happy holidays!!

Anywhere But HereOù les histoires vivent. Découvrez maintenant