Anywhere But Here [One Shot]

12.5K 326 53
                                    

Anywhere But Here

"Secret love, my escape, take me far, far away. Secret love, are you there? Will you answer my prayer? Please take me anywhere but here." -Mayday Parade (Anywhere But Here)

© luminatina

**

"Tina, kailangan kita," nagmamakaawa kong sinabi sa telepono habang kausap ang best friend ko.

"Okay ka lang, Enzo? Nasa'n ka?" nag-aalala naman n'yang sagot.

"Nasa bahay. Puntahan mo ako, please," sabi ko, umaasang papayag s'ya kahit ala siete na ng gabi.

Narinig ko nalang ang nagmamadali n'yang "Antayin mo ako" bago naputol ang linya.

Ako na ata ang may pinakamagulong buhay sa mundo. At isa lang ang nakakaayos ng lahat ng gulong ito - si Tina. Si Tina na best friend ko. Si Tina na best friend ko lang. Si Tina na sana hindi ko best friend lang.

Maya-maya pa naka-tanggap ako ng text message mula sa kan'ya. Agad kong kinuha ang jacket na nakapatong sa may kama ko at bumaba. Nakakalat ang mga basag na baso at pinggan sa sahig ng bahay namin, idagdag mo pa ang mga silya na nakabaliktad at wala sa ayos, at sa kabilang kwarto naman maririnig ang mga hikbi ng nanay ko. Magulo ako, pero mas magulo dito.

Pag labas ko, nakita ko s'yang nakaupo sa may doorstep namin. Agad naman s'yang lumapit ay niyakap ako.

"Ano na namang nangyari?" tanong n'ya.

"Ganun pa rin," simple kong sagot, "Alis tayo. Kahit saan, wag lang dito,"

Tumango lang s'ya.

Sumakay kami ng jeep. Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta. Akala ko kanina, kakain lang kami sa McDo tulad ng dati, pero nalampasan namin ang nasabing fast food chain.

"Saan tayo?" tanong ko.

Ngumiti s'ya, "Sa kung saan, pero hindi sa inyo."

Bumaba kami sa isang lugar na maraming tao, maliwanag.

"Nasa'n tayo? Within the city pa ba 'to?" tanong ko.

"Oo naman 'noh! Ano 'yun, nakalabas na tayo ng city sa loob ng ten minutes natin sa jeep?" sagot n'ya, "Don't tell me ngayon ka lang dito?"

Pero saan ba talaga 'to? Kasi sa totoo lang, ngayon pa lang talaga ako nakarating dito.

Tumango ako sa kan'ya at tumawa s'ya ng malakas.

"Night market 'to! Kawawa ka naman. Tara, you need to experience everything in one night dahil first time mo 'to," sabi n'ya at hinila ako.

Hindi nagtagal, kasama na kami sa maraming taong siksikan sa gitna ng mga stalls at booths na nandito.

"Ang daming pagkain 'di ba? O alin gusto mo mauna?" sabi n'ya sa'kin.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

Anywhere But HereWhere stories live. Discover now