Munting Alaala
Nakakatawang isipin na kami’y ulit naging magkaibigan. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata habang kami ay tumatawa, tila ba parang dahan-dahan kong nakikita ang kanyang paghalakhak. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malungkot. Bakit nga ba? Ilang beses na ‘tong nangyari, sanay naman na ako. Sanay na akong hindi na maalala ang isang katulad ko. Lalo na sa isang katulad niya. Dahil isa lamang akong munting alaala.
“Tay, alis na po ako.” tinitigan niya lang ako na para bang ngayon niya lang ako nakita. Ngumiti ako sa kaniya at umalis.
---
“Sa tingin ko talaga matagal na tayong magkakilala.” Ngumiti siya sa akin, ang lalaking minahal ko ng lubusan.
“Nagkakamali ka. Ngayon lang.” tipid kong sagot sa kanya.
“Hindi ako makapaniwala na hindi ka inaalala ng mga kaibigan mo, lalo na ang pamilya mo.” Kahit ako hindi ko alam sa sarili ko hanggang masanay na lang ako sa nangyayari.
“Ako hindi ko kakalimutan ang isang katulad mo. Hindi karapat-dapat mangyari sayo ‘yon.”
Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. “Sana nga hindi na ulit mangyari ‘yon.”
Napadako ang mga mata ko sa kanyang sinusulat. Napangiti ako sa kanyang ginagawa, mapupuno na ang isang buong papel na puno ng aking pangalan. Siguro nga malapit nanaman ang kinakatakutan ko.
Dumating ang sumunod na araw, siya’y nagtapat sa akin na ako’y kanyang mahal. Hindi na ako na gulat sa mga salitang binitawan niya, dahil ilang beses na ‘tong nangyari. Niyakap ko siya at binulungan. “Mahal din kita, sobra.”
Malapit na ang kaarawan ko ngunit hindi ko ‘to inaalala. Ginagawa ko ang lahat para lamang hindi ‘to maalala. Ngayon inimbitahan niya ako sa kanilang bahay upang ipakilala ako kanyang pamilya. Kahit ilang beses ko ng makasalamuha ang kanyang pamilya, masaya pa rin ako sapagkat dito ko rin nararamdaman na may pamilya ako.
Bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone, akin ‘tong tinignan. Isa lang palang alarm kung saan nakalagay ay ang nangyayari ngayon. Pati pala pagkita niya sa akin lagi niyang tinatandaan. Malapit na ba talaga?
Lumalaki ang pag-asa ko dahil naaalala niya pa rin ako. Naaalala niya pa rin ang detalye ng mukha ko. Nagkwentuhan kami kung saan sinabi niya ang mga plano niya para sa aking kaarawan. Masaya ako dahil isa din ‘yon sa di niya nakalimutan.
Dumaan na ang araw, kung saan ngayon magkikita na kami. Kung saan niya ako niyaya. Naghintay ako ng ilang minuto. Hanggang tumagal at gumabi na. Iniisip ko na baka natagalan lang siya dahil may inasikaso siya. Hindi ko iniisip na baka hindi niya na ako maalala.
Pumunta ako sa bahay nila at nadatnan ko ang kanyang kapatid na babae.
“Nasaan ang kuya mo?” tanong ko sa kanya.
“Ah, si kuya. Kasama niya mga kaibigan niya. Maupo ka muna, hintayin mo siya, kuhanan lang kita ng maiinom.” Napangiti ako sa sinasabi niya buti pa siya natatandaan pa ako.
Ibinigay niya sa akin ang ginawa niyang juice. “Nga pala, ano bang pangalan mo para masabi ko kay kuya na hinahanap mo siya.” Bigla akong napahinto sa pag-inom at tinignan siya sabay ngiti.
“Angelika Sana.” Tumango siya. Siguro nga malapit na o sabihin nating nangyayari na.
“Pwede bang pumasok sa kwarto ng kuya mo?” tumango lang siya.
Bumungad agad sa akin ang mga larawan. Mga kinuhaan niya. Nakadikit ito sa dingding. Bawat ibang larawan may kasama itong mga detalye tulad na lamang ng petsa at ang lugar. Tinignan kong mabuti ang mga petsa at laking gulat ko dahil nung una kaming magkakilala may mga litatro din ako sa kanya.
Umiyak ako ng todo, bigla kong inisip hindi niya kinalimutan. Ginagawa niya lahat para lang maalala niya ako. Umupo ako kung saan nakabukas ang kaniyang laptop. Nakalagay agad sa desktop ay puro pangalan ko. ‘Remember, Angelika.’ Pati mga folder, pangalan ko ang nakalagay. Binuksan ko ‘yon at puro videos namin ang nakalagay. Napaiyak na lang ako ng makita ko ‘yon.
Bigla na lang may lumitaw na note sa laptop niya. ‘Yon ngayon ay makikipagkita siya sa akin. Inisip ko meron din sa cellphone niya. Tumakbo agad ako kung saan ako makikipagkita sa kanya. Nakita ko na siya malayo pa lang. Umiiyak siya, alam ko na kung ano nangyari sa kanya. Buo na ang desisyon ko, lumapit ako sa kanya.
Tinignan niya ako. Ngumiti siya. “Ikaw ba si Angelika?” umiling ako.
“Kaibigan niya ako. Umalis na siya.” Bigla siyang lumapit sa akin.
“Sabihin mo, nasaan siya. Nagmamakaawa ako sayo.” Patuloy na pag-agos ang kanyang luha.
Umiling ako at ngumiti. “Hindi ko rin alam kung saan siya pumunta.” Yumuko ako. Hindi ko na kaya ang kasinungalingang sinasabi ko.
“Kung sakaling magkita kayo, pakisabi na bumalik siya. Patawarin niya ako, hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya. Kinalimutan ko siya.” Lumuhod siya at patuloy ang pag-iyak niya.
“Hindi ko rin mapapangakong masasabi ko sa kanya ‘yan. Pero may pinapasabi siya sayo.” Bigla siyang napatayo sa sinabi ko.
“A..ano?” nauutal niyang pagtanong dahil siguro sa pag-iyak niya.
“Mahal na mahal ka niya. Sana maging masaya ka. Huwag mong pababayaan ang sarili mo at lagi ka daw mag-iingat.” Gusto ko ng umiyak pero di ko magawa dahil nandiyan siya sa harapan ko.
“Mahal na mahal ko rin siya.” Paulit-ulit niyang sinasabi ang salitang iyon.
“O siya mauna na ako. Mag-iingat ka.” tumalikod agad ako at sabay tumakbo.
Hindi ko na napigilan ang mga nagbabadyang luha na gustong bumagsak kanina ngayon ay umaagos na.
Buo na ang desisyon kong lumayo at hindi na magpakita pa sa kanya kailanman. Bago ako umalis sa kwarto niya. Binura ko lahat ng mga files sa laptop niya at inalis ko lahat ang mga larawan kong nakadikit. Inalis ko lahat ng makakaalala sa akin. Hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko kasabay na rin ang pagbagsak ng ulan.
Siguro tama ang desisyon kong lumayo sa kaniya. Dahil kung ako nahihirapan mas nahihirapan siya. Siguro nga tadhana na ang gumawa sa akin nito. Nagpapasalamat din ako sa kanya kahit minsan naging masaya ako sa maikling panahon. Pero kahit ganon ipinagkait niya sa akin ito, limitado lang ang kasiyahang ibinibigay niya sa akin. Isa lang akong taong kahit minsan nagpasaya sa kanila, sa kanya. Mga kaibigan, pamilya at siya ay isang masayang alaala sa akin. Pero para sa kanila ako’y isang munting na kailangang kalimutan na.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Munting Alaala
Kısa Hikaye❝ kaya mo bang iwan ang taong mahal mo kapalit ng kanyang kalayaan? ❞ munting alaala [one shot]
