Hi! I'm Cheska Guevarra. 2nd year highschool student. 3rd year na dapat ako. Tumigil lang ako sa pag-aaral dahil lagi akong binubully sa dating school na pinapasukan ko. Ang Sta. Fe Academy. Ang ganda ng pangalan noh? Kung iisipin mo parang ang babait ng mga estudyante sa school na ito pero hindi. Isang malaking HINDI!
Tahimik lang kasi ako lagi sa classroom. Nagsasalita lang ako kapag sumasagot ako sa mga tanong ng teacher about sa subject namin.
Mag-isa lang ako sa lahat ng bagay kapag nasa school ako. Loner kung baga. Sa pagrereview, sa canteen every lunch break, kahit sa upuan. Wala kasing gustong tumabi sakin dahil weird daw ako.
Hindi lilipas ang isang araw sa school ng walang nantitrip sakin. Lagi silang may bagong pakulo para ipahiya ako at para pagtawanan. Hindi sila nauubusan. Siguro kung may contest lang ng paramihan ng kalokohan at pambubully? Sinasabi ko talaga sa inyo, sila na siguro ang grand champion. Walang duda!
Hindi ko alam kung bakit sila ganun sakin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
Pero kahit ganun nila ako itrato, di ko pa rin pinababayaan ang pag-aaral ko. Lagi akong nasa top ng klase.
Isang araw naisip ko na lang na hindi na ako papasok sa school. Mas gusto kong sa bahay na lang ako. Pero syempre hindi naman pwede yun. May mga pangarap pa rin naman ako sa buhay ko. Kaya tinanong ko ang parents ko kung pwede akong lumipat ng school. Matataas naman ang grades ko kaya siguro naman madali lang ako makakalipat ng school.
Nung una, nagdalawang isip sila pero kalaunan ay napapayag ko din sila. Alam kasi nila na binubully ako sa school. Ginagawa naman nila ang part nila bilang magulang ko. Pupunta sila sa school para magreklamo, magkakaayos, tapos after ilang weeks ganun ulit, mabubully nanaman ako. Paulit-ulit lang ang ginawa namin.
Kaya siguro pumayag na din sila.
Makalipas ang ilang araw na pagsearch ko sa internet, sa wakas nakapili na ako ng school na paglilipatan ko.
Ang Handford Academy.
