* KAIBIGAN *

1.8K 7 0
  • Dedicated to Xakan Si Bhyne
                                    

KAIBIGAN

Sekondarya’y bagong kabanata

Sa CNHS aming eskwela

Kami’y nagkakila-kilala

Nagkasundo sa isa’t isa.

Ang mga araw ay lumipas pa

Nang hindi ko inakala

Samahan ay nabuo na

Hanggang magkaibigan na nga.

Wala mang kasulatan

Na aming nilagdaan

Basta nalang nagkasunduan

Na forever magkaibigan.

Lumipas pa ang isang taon

Pero bakit lumabo ang samahan?

Nawala ay isang kaibigan

Na nagtatag ng grupong samahan.

Hindi rin nagtagal

Isa pa natanggal

Sa anim na magkakaibigan

Apat na lamang ang naiwan.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan

Gayunpaman, patuloy parin ang laban

Pero hindi parin kinalimutan

Ang dalawang kaibigang nang-iwan.

Sapagkat mula sa simula

Sila pa rin ang nakasama

Nagdamdam man kaming apat sa una

Pagpapatawad pa rin namayapa.

Patuloy pa rin ang pansinan

Patuloy pa rin ang kulitan

Ngunit isa pa ring malaking kalungkutan

Hindi na maibalik ang dating samahan.

Kaming apat na naiwan

Nagpatuloy ang samahan

Hindi man kami madalas na magkita-kita

Alam naming nandiyan para sa isa’t isa.

PAMPAMILYANG TULA :)Where stories live. Discover now