Chapter 50 ♥ Sh*t

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayan na naman yung kaba sa dibdib ko. Parang napi-feel ko na badnews.

"S-Sige po. Pupunta napo ako dyan."

*toot toot*

Bumalik ako kina Janna at Yumi. "Punta lang ako coffee shop sa labas ng SWU. Andun si Tita ko eh. Kakausapin ko lang sandali." Paalam ko.

"Sasamahan ka na namin best." Sabi ni Janna.

"Hindi. Ako nalang. Mga 1 hour pa naman bago ang game nina Kyle. Tawagan ko nalang kayo mamaya pagkatapos ko kausapin si Tita."

 

"Sure kaba twinsis?" Tanong ni Yumiko.

"Oo naman. Wala naman mangyayari masama sakin. Kakausapin ko lang Tita ko."

"Sige. Basta ingat pa din. Tawag ka agad." Sabi ni Janna.

Tumango ako. Saka umalis na. Nakalabas naman ako agad ng gate ng SWU at dumiretso sa coffee shop.

Pagpasok ko ng coffee shop, natanaw ko agad si Tita Yolly. Andun sa bandang sulok. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Tita!" Tawag ko nang makalapit ako sa kanya.

"Chelsea.."

Umupo ako sa harap nya. Kakaiba awra ni Tita parang problemado. Ewan ko ba. "Tita kumusta po? Ano po yung sasabihin nyo?"

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon