Isang tulang nagkekwento tungkol sa storya naming dalawa.

-x-

Dahil wala akong magawa, gumawa ako ng isang tula.

Isang tulang nagkekwento tungkol sa aming dalawa.

Una pa lang, masaya na tayong nagmamahalan.

Pero bakit nawala ito ng biglaan?

May nagkulang ba, o nagkulang ako?

Ang labo na, kasing labo ng salaming isang libo ang grado.

Bakit ko ba hinahalintulad ang ito sa salamin? Sigurado namang mas malabo pa tayo kesa doon.

Akala ko ba tayo ay hanggang dulo?

Masyado akong umasa, tumulo na tuloy ang pesteng luha na ito.

Masakit isipin na wala na ang dating tayo.

Wala na, burado na sa isip mo na ako'y mahal mo.

Masaya na akong makita kang ngumiti.

Pero nakakalungkot din dahil hindi na ako ang dahilan ng iyong pagngiti.

Wala naman na akong magagawa.

Dahil siya na ang mahal mo hindi ba?

Bakit pinagtagpo lang tayo ng tadhana?

Hindi ba tayo karapat-dapat itadhana?

Ang dami kong tanong na humihingi ng kasagutan.

Pero wag na umasa, baka ako'y muli masaktan.

Kumakapit pa din ako sa isang porsyentong maaayos pa din ito.

Pero naalala ko, wala na nga palang tayo.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TulaWhere stories live. Discover now