I let a sigh. Okay na 'to!

"Aly, si Benj!" sigaw ni nay Carol. Nagmamadali naman akong suotin iyong stilletos. Kinabahan kasi ako ng marinig ko iyong pangalan ni Benj. God, ano ba tong nangyayari.

Tinignan ko ulit saglit iyong sarili ko. Good. I am good.

Bumaba na ako at nakita kong nakasandal si Benj sa kotse niya. Nang siguro'y naramdaman niya ang presensya ko ay napatingin siya sa akin. Para akong nalagutan ng hininga sa gwapo ni Benj. God. Gwapo naman talaga si Benj pero...parang gumagwapo siya lagi. Simpleng polo ang suot niya pero binabagayan siya nito.

"Look great." Benj smiles at me. He comes near to me.

"You too." Bulong ko sa kanya ng makalapit siya sa pwesto ko. Naramdaman ko na lang iyong kamay niya sa likod ko. Ang lamig ng kamay ni Benj. Pero pakiramdam ko ang init init nito. Damn.

"God. AJ." Para bang hirap na hirap si Benj sa pagtitig sa akin kaya malimit lang siyang tumingin. Ako naman hindi ko maiwasang hindi mapatingin. Totoo, ang gwapo niya talaga ngayon. Bagong shave kasi siya. Ang sarap haplusin yung pisngi niya. Damn, Aly.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Ready?" Pumasok na rin siya ng kotse at inistart. Pinaandar niya iyon ng tumango ako sa kanya.

Pakiramdam ko nanlalamig ang buong katawan ko. Binabalot ng lamig ang katauhan ko. Hindi ko alam kung ano iyong saktong dahilan. Baka dahil kay Benj o Gideon. Hindi ko alam. O maaaring dahil sa mangyayari mamaya.

God. No.

Hindi ko napansing nasa center na kami dahil sa pag-iisip ko ng mga posibleng mangyari ngayon. Mabuti na nga lang naramdaman ko iyong kamay niya sa braso ko. Nanlalamig din ang kamay niya.

Parehas kaming kinakabahan ngayon. Damn. "I don't know, AJ what's really on your mind. Hindi ko masukat. Hindi ko matantya. Pero ang alam ko sa akin ka na kaya wala ka ng dapat ikabahala. Kaya kong maging rebound para sa'yo. Makalimutan mo lang siya." Sabi ko na nga ba naiisip ni Benj ito.

Ito kasi iyong kinatatakot, baka isipin niya naging pamalit lang siya. Ayoko nun. Kaya nga I take time to think, to realize everything. Na makayanan at mabuhay na hindi siya iniisip. Kaya ngayon, I realize Benj.

"Benj...tama na. Tara na nga." Ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mabahala pa. "It takes time to heal but I let you heal me. I let you to be here with me. Kaunti na lang Benj." Ako na ang nagbukas ng pinto ng kotse. "Tara na. " Hinawakan ko iyong kamay niya. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin.

Pumasok na kaming center. Hindi naman karamihan ang tao kasi yung main company employee lang naman ang nandito. White and green ang theme color ng party. May DJ. May dance floor. Semi formal iyong party.

Inayos na ni Benj iyong camera niya. Ginala ko naman yung mata ko at nakita ko si Belle at Jas na busy busy sa kwentuhan.

"Bes!" Nica. Napangiti ako dahil ang ganda ganda talaga ni Nica ngayon. Lumapit siya sa pwesto ko at hinalikan ako sa pisngi ko. "Ganerns, maganda dapat."

"Ikaw din naman." I let a soft laugh.  Ang ganda niya sa bluegreen dress niya. Ang cute.

"Bes...date naman tayo. Lagi na lang kayo ni Benj ang magkasama. Nagjejelly na talaga ako. Bestfriend here!" Sumimagot pa itong si Nica sa harapan ko. Aww. Si Nica naman.

"O sure. Sige na. Oo na, bes." Napatawa ako sa simangot nitong babaeng ito.

Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin nito. "Yehey. Sure na 'yan!" I owe Nica a date kaya magkakaroon kami ng araw na kami lang.

Nung nag-umpisa na yung party ay nag-umpisa na si Benj na kumuha ng litrato. Ako naman nasa tabi lang para kung may iuutos siya ay agad kong magagawa. "Smile!" Nagulat ako ng bigla niya akong kuhanan ng picture.

"Uy! Hindi ako kasali." Medyo natatawa ako kasi parang ewan itong si Benj. Puro mukha ko na hata ang nasa camera niya. God. "Uy, tumigil ka na."

"Ayoko po." Nagpapacute pa 'tong lalaking ito!

"Pacute." Bulong ko.

"Gwapo. Smile." Kumuha ulit siya ng picture pero kaming dalawa na. Dinikit niya iyong pisngi niya sa akin at kinuhanan kami ng picture. "Bagay naman tayo. Tignan mo." He wiggled his brows.

Magsasalita na sana ako na biglang nanlamig ang katawan ko dahil sa boses na narinig ko.

"Wow, Aly." Napabuntong hininga ako. Kasi baka kung anong magawa ko kay Nick. Naramdaman ko na lang iyong kamay ni Benj sa akin. "You really moved on. Wow." Ngumisi siya, nagsitaasan ang buhok ko sa katawan. Damn.

Huwag mong pansinin Aly. "Paano na si Gideon? Paano na?"

"Pre."  Napatingin ako kay Benj. His lips drew into hard line.

"Okay. Fine." Tinaas ni Nick ang dalawang kamay niya. Pero para siyang baliw tumatawa paalis sa pwesto namin.

"You okay?" tanong ni Benj. Tumango ako kay Benj para hindi mag-aalala. Nick! God damn it. Nagtitimpi lang ako sa kanya.

Kumuha na lang ulit si Benj ng litrato. Nagpaalam ako na magpapahangin lang sa labas.

"Gideon..." I heard Maggie's voice.

"Mags, I really need to do it." Bigla akong kinabahan ng marinig ang boses ni Gideon. Napalunok ako. Pumikit ako. No Aly. Hindi. Wala lang iyon.

Umalis na lang ako sa lugar at pumasok sa loob. Hindi ko makita si Benj kaya umupo na lang ako sa may tabi. Mali. Hindi mo naman kailangan isipin iyon Aly. Move on.

Mga 10:00 ng gabi ng matapos ang event. Nagsiaalisan na iyong mga bisita. Hindi muna kami umuwi ni Benj kasi nirequest ni Maggie na manatili muna kami rito. Sila Karl at Nica umuwi na kasi antok na antok na si Nica.

Dibali ang Jimenez at Salazar family na lamang ang nandito kasama ako.

Ano kayang meron?

"I may have this time to say my love for Maggie. I want to share my life with her." Nanindig balahibo ako. Oh God. No. Aly.

"Don't look." Bulong ni Benj sa akin. Paano? "Look at me." Sinunod ko si Benj. Oh God. Natatalo na naman ako ng nararamdaman ko. Nasasaktan na naman ako.

"I want to marry your Maggie."


U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Where stories live. Discover now