Chapter 38

9.6K 170 12
                                    

Jho.

Pagpasok ko ng dorm ay nag m-movie marathon silang lahat dito sa sala.

Kakadating ko lang rin kasi.

Agad naman akong nakita ni ate Ella.

"Oh Jho bakit nandito ka?"tanong ni ate Ella na parang gulat na gulat pa.

Ano ba ito?Joke time?Wala akong oras para dito eh.

"Bawal na ba ako dito ate Ells?"

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin"-Ate Ella

"Eh ano?"

"Jho hindi mo pa ba alam?"-Ate Ly.

"Ang alin ate Ly?"

"Bes phone mo nasan?"tanong ni Jia saakin at lumapit siya.

"Nasa bag ko.Naka patay,kanina pa"simpleng sagot ko.

"Kaya pala.Si Bea kasi nasa bahay na ng Lola niya.Umiiyak"-Jia

"Huh?Akala ko ba nasa hospital lola niya?"

Teka lang ah.Naguguluhan ako.

"Patay na lola niya Jho.Dun nakaburol lola niya"

Sh*t.

Si Bea.Kailangan ko siyang puntahan.

Kailangan niya ako ngayon.

"Alam niyo ba yung address ng bahay ng Lola niya?"natataranta kong tanong habang kinukuha phone ko sa bag ko.

"Jho ito oh"sabi ni ate Ly at binigay saakin ang isang papel.

"Thanks ate Ly.Thanks rin Ji.Alis na ako ah?Kailangan pa ako ni Bea.Bye Guys!"

Paglabas ko ng dorm ay nag abang agad ako ng taxi.

Ng mabuksan ko ang phone ko ay nakita ko yung text ni Bea.

Kanina pa.

-

From:Bea😍

Beh wala na si lola.

-

Ugh paano ko kaya siya iiwan nito kung ngayon palang ang dami na niyang pinagdadaanan.

Nakasakay na rin ako ng taxi at sinabi ko ang address ng bahay ng lola ni Bea.

I'm sure iyak ng iyak si Bea ngayon.

Close na close kasi si Bea sa lola niya.

After 15 minutes ay nakarating rin agad ako.

Hindi pa man ako nakakapasok s aloob ng bahay ng lola niya ay agad ko nang nakita si Bea sa harap ng pinto.

Umiiyak.

Nasasaktan rin ako para sakaniya.

Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya.

Niyakap ko agad siya.

"Beh *sob* bakit ganun?Bakit *sob* kinuha na agad si lola saamin?"

Paano kaya kapag sinabi ko sakaniya na aalis ako at iiwan ko siya?Sigurado ako iiyak siya ng iiyak.

"Shhhhh tama na beh.Magpakatatag ka lang"bulong ko sakaniya.

Bigla naman lumabas si tita Det at nakita kami.

"Omg Isabel nandito ka lang pala"

Lumapit saamin si tita.

"Jho pasok muna kayo.May pagkain sa loob.Hindi pa rin kumakain si Bea"

You're The Only One (Jhobea)Where stories live. Discover now