Chapter 9: The Modifying Charm

Magsimula sa umpisa
                                    

Nasa daan na si Chase para puntahan si Serena nang may narinig siyang magsalita. Boses ito ni Serena at kinakausap siya through mind link.

“Chase, where the hell are you?!” Halos sumakit ang ulo ni Chase sa sigaw ni Serena sa kanyang isip.

“Pupuntahan ka. May problema tayo—“

“A huge problem, Chase. May nakapasok na member ng Augury sa Academy.”

Sandaling natigilan si Chase sa narinig. Ang Augury ang isa sa apat na myembro ng Society of Magic. Matagal ng panahon mula noong nagkaroon ng batas ang Magic Council na pinagbabawalan ang bawat society na manghimasok sa isa’t isa. Hindi basta pwedeng pumasok ang isang myembro ng Augury sa premises ng Academy ng walang permiso dito. Ano ang binabalak nila?

“At si Ariela Davis…” Serena continued. “Sa tingin ko siya ang dahilan ng panandaliang pagkawala ng mga charm. Chase, she’s the target here.”

Mabilis na lumabas si Chase sa main building ng Academy nang marinig yun. Hindi nga siya nagkamali ng hinala. Unang tingin niya palang kay Ariela Davis ay alam niyang hindi pangkaraniwan ang charm nito. Ariela looks normal kung titingnan but her charm is far from average.

He admits, nagdalawang isip siya noong una kung si Ariela nga talaga ang isa sa mga taong may hawak na special charm. Pero noong nakita niya ang ginawa ni Ariela at Jett sa Enchanted Forest noong gabing yun, nawala ang pagdududa niya.

Matindi pa sa restrains ang kayang gawin ni Ariela sa mga charm na nasa paligid niya. Kaya niya itong pigilan at palakasin.The modifying charm - the charm that can build or kill a charm. Dati sa mga libro lang nababasa ni Chase ang tungkol sa kapangyarihan na ito. But now, he has a student that possesses this charm. And this is really unfortunate dahil sa ganitong paraan pa malalaman ni Ariela ang charm niya.

Eksaktong pagdating ni Chase sa lugar ay siya namang pagalis ng manipulator. Agad itong umalis nang maramdaman niyang nagkakagulo na sa Academy. Pero hindi siya nabigo sa pakay niya. Nailabas ng babaeng may special charm ang kapangyarihan niya. Yun lamang ang gusto niyang makita kaya bumisita siya sa paaralan. Gusto ng Augury ng patunay na si Ariela nga talaga ang babaeng may Modifying Charm.

Wala pa siyang balak kunin si Ariela, wala pa sa ngayon.

  

 

 

Ariela’s POV

 

Pinagmasdan ko ang paligid mula sa bintana ng kwarto ng Hospital kung saan ako nagi-stay. Bumuntong hininga ako. Nandito nanaman ako sa Hospital ng Academy. Naging suki na ata ako sa lugar na ito. Sa loob lamang ng ilang lingo ilang beses na akong bumisita dito.

I watched the leaves as they lazily rattle beneath the wind. The clouds floated slowly in the unusually blue sky. Mahangin at maaliwalas sa labas. Everything seems calm and peaceful. Malayong malayo ito sa mga naaalala ko ng gabing yun.

“Anong ginagawa mo dyan? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Napalingon ako sa taong kapapasok lamang sa kwarto. Si Sir Chase Miller.

I shrugged. Hindi ko talaga alam ang isasagot doon. Simula kasi noong gabing yun pakiramdam ko ay hindi na ako naging okay. May kung anong kuryente sa katawan ko na walang tigil sa pagdaloy. At gusto nitong lumabas sa mga palad ko.

“Okay lang yan. Masasanay ka din.” I tried to smile. Umupo si Sir Chase sa isa sa mga chair sa tabi ng hospital bed.

“Tumawag na po ba si Grandma?” Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa labas.

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon