Chapter 20: Hey, Mr. Cool Cool

Magsimula sa umpisa
                                    

Babala lang po! BAWAL ANG PURO SAYA. Iba ang positive thinking sa excessive happiness.

Isa kang duwag. Natatakot ka sa katotohanan, sa tunay na mundo. Tumatakas ka sa iyong maliit na mundo upang kalimutan ang masasamang bagay.

Ayaw mong makarinig ng masasamang balita sa TV. Anung gusto mo, magputukan ng lobo? HAHAHAHA! Hindi ko sinasabing huwag manuod ng Wiltime Bigtime. Huwag natin takpan ang ating mga mata. Hindi si Willie ang sagot sa kahirapan. Hindi sa Villar ang tunay na mahirap. At hindi perfect si NoyNoy Aquino. Magsisimula pa din sa pagihi mo sa umaga ang pagbabago.

ASO MODE signing off...

 Ang init.

Napakagandang araw para magsagawa ng community service at sunugin sila sa ilalim ng araw. Nakaupo lang ako sa isang bench sa park na hindi ko alam at nag-iisip ng susunod kong gagawin. Pero may katabi ako sa bench. Sino?

Si Karen.

So dito pala siya nakatira (hindi dito sa park, basta dito sa lugar na'to, mahirap iexplain eh). Swerte ko noh? Nakita niya ako habang naglalakad ako sa kawalan. Isa siyang blessing from God!!

Sabi ni Karen, " Bakit ka na padpad dito? Diba may pasok ka ngayon?"

sabi ko naman, "Ah... naligaw ako eh. Haha! Buti na lang nandito ka at nakita mo ko, kung hindi, hindi na ako makakauwi..."

"Ikaw ba si Travis?" tanong niya.

"Ha? Anong tanong yan?" sabi ko.

"Ang kilala kong Travis, hindi sumusuko at naghahanap palagi ng palusot kapag gipit na gipit na. Anong nangyari sa'yo?"

Tapos naisip ko, oo nga. Tumaas yung self-confidence ko doon. Pero siyempre down pa din ako dahil sa mga pangyayari. Narealize ko na, ang hirap magkamali pagdating sa pag-ibig. Parang naglalakad ka sa isang tulay at may natapakan kang LEGO( yung yung laruan, search mo na lang sa google). Masakit, parang mapapaiyak ka, kasi hindi mo alam, you never saw that coming.

O kaya naman, naglalakad ka sa isang garden maraming flowers.. pero iisa lang ang rose sa garden na yun. Natuwa ka at gusto mo siyang pitasin. Pero sa pagpitas mo natusok ka na thorns niya. Masakit noh? Pero titigil ka na lang ba doon? Hanggang doon lang ba ang kaya mo?

Tapos nung pumunta ka sa isa pang garden, nakita mo na napakarami pang rose na pwedeng piliin, narealize mo na hindi lang pala siya ang nag-iisang rose sa buong mundo...

Ngayon it's up to you..

Kung naramdaman mong may kakaiba pa din sa rose na una mong nakita... bumalik ka at piliin mo yun.

Sabi nga sa Tide, hindi ibig sabihin na mas marami, mas maganda.

So ayan yung naisip ko habang kinakausap ko si Karen. At kung may magtatanong kung nasaan si Bruno at Caloy, busy sila kasi naagshoshooting sila ng Bourne Lagacy, silang dalawa yung scriptwriter. Tapos sinabihan ko na silang magshoot sa school namin, sinuggest ko din na pasabugin nila yung school namin para masaya. HAHAHA!

"Sorry Karen, medyo down lang kasi ako eh." sabi ko.

"Okay lang yun, lahat tayo dumadaan sa ganyan." 

"Ano sa tingin mo dapat kong gawin kapag nararamdaman kong may mawawala sa aking mahalaga?"

"Andrama mo! HAHAHA!" aba't?! tinawanan pa ko?

tinitigan ko siya nang walang expression sa mukha, gusto kong makakuha ng seryosong sagot..

"Nararamdaman mo bang mawawala na ang wallet mo ngayon?" tanong niya.

"Uhhh, hindi naman..."

"Okay... kapag nawalan ka ng gamit nang biglaan, maraming pwedeng dahilan.. so anong ginagawa mo para hindi mawala ang wallet mo?"

"NABASA KO NA YAN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon