Nang may nakita akong pababa ay dun ko siya dinala. Nang nakita ko kung ano ang nandun, pinatigil ko muna si Pot pot.

Nakita ko si tatay at ate mich na naka tigil habang nakatingin sa may Taal. Kaya tinabihan ko sila.

"Ohhh Twight, napatakbo mo na ba yan?" Tanong sakin ni tatay na sumulyap sakin saglit at tumingin agad sa may Taal.

"Opo tay, ang bilis nga po ehh.. HAHA, ang galing nga po ni pot pot ehh" sabi ko habang hinihimas si Pot pot.

"Takot ka pa rin mag isa sa kabayo ate?" Tanong ko kay ate mich, kaya tinignan niya ko at nag salita,

"Oo ehh, kaya nga nasa likod ko si tatay" nang sinabi niya yon ay nakita ko si tatay na tumingin sakin at tumawa kaming dalawa.

"Kailan ka pala matututo? Kapag wala na ko?" Naka ngising sabi ni tatay. Nang dahil sa sinabi niya ay nawala ang ngiti sa king mukha at napatingin kay tatay na nakatingin kay ate Mich.

"Tsss, hindi ka naman mawawala tatay ehh. Hindi mo kami iiwan diba. Tyaka si ate Mich kasi hindi marunong mag control ng feelings kaya ramdam ng kabayo" sabi ko, kaya lumingon na ko sa may Taal Volcano dahil nag tu tubig na ang mata ko.

"Dadating ang araw na kailangan niyong matuto mag isa. Maging independent, lalo na sa panahon kapag wala na ko. Hindi lang natin alam kung kailan pero dadating din tayo sa puntong iyan. Pero bago yun bumalik na tayo at gusto kitang makita na mag pa takbo." Sabi sakin ni tatay kaya nung liningon ko siya ay naka ngiti na siyang naka tingin sakin.

"Sge tay bibilib ka sa apo mo. HAHA" napangiti ako sa sarili kong sinabi kaya may tumulong luha na agad ko namang pinunasan.

Pina lakad ko ang kabayo tyaka pina takbo.
Dahil alam ko na mang nasa likod ko si tatay at naka ngiting naka tingin sakin habang pinapatakbo ko si Pot pot.

Isang oras na rin pala kaming nangangabayo, kahit bitin ay masaya pa rin.

Lumapit na ko sa may gilid para bumaba, at nakita ko sila tatay na papalapit dito para bumaba na rin sa kabayo.

Naka ngiti silang dalawa sakin kaya nag taka ako, pero hinayaan ko na lang.

Nag pasalamat ako sa nag assist samin kaya nginitian ako ni kuya.

Pag ka baba namin ay nag paalam na kami sa mga kabayo.

Pag katapos ay dumiretso na kami sa sasakyan at uuwi na.

Pag ka pasok ay ni start ni tatay ang sasakyan at nag drive na siya pauwi.

Sumandal ako sa balikat ni ate kaya alam kong napatingin siya saakin kaya nginitian ko na lang siya habang naka pikit ako.

Napagod ako kaya di ko alam ay nakatulog na ko.

~•~•~Bahay~•~•~

"Twight, gising na." Ang una kong narinig habang tinatapik ni ate Mich yung pisngi ko.

Kaya pag mulat ko ay nakita ko na lang na nasa tapat na kami ng bahay kaya napabangon ako, at lumabas ng sasakyan.

Nakita ko si tatay na naka tayo sa may pintuan at parang natigilan. Tatanungin ko na sana siya nang nakita ko kung sino ang tinitignan niya.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni tatay sakanila.

Nag ka tinginan ang dalawa at nag ka tunguan.

"Tay nandito kami para kamustahin kayo at ang dalawang bata." Sabi nung babae na nasa mid 30's. maganda siya at hindi katangkaran, mukha siyang business woman. At ang kasama niya namang lalaki ay parang ka ka 40 pa lang. Mas matanda siya kaysa dun sa babae. Gwapo at mukhang business man din, matangkad siya at matipuno.

"Ok lang kami. Anong kailangan niyo?" Tanong ni tatay nang parang may halong galit ang pag sasalita niya.

Nag katinginan ulit sila ng parang may halong pag aalala, tyaka ko nakumpirma ng tumingin sila samin.

"Tay, gusto naming tumira tayo sa iisang bahay" sabi nung lalaki. Kaya nag taka na ko at hindi ko na napigilan mag tanong.

"Tatay, sino po sila?" Nag tataka kong tanong kay tatay.

Pero naka lipas pa ang mga ilang minuto at hindi nag bago ang ekspresyon nilang tatlo kaya napatingin ako kay ate ng may halong pag tatanong sa king mga mata.

"Sila ang,.." hindi na natuloy ni ate mich ang sasabihin niya dahil sabay sabay sumagot yung tatlo

"Sila ang magulang niyo"

"Kami ang magulang niyo"

Napatingin ako sakanilang tatlo na may halo paring pag tataka.

Hindi ako makapaniwala.

Pero paano?

Bakit ngayon pa?

At ano daw? Gusto nila kaming tumira lahat sa iisang bahay?.

It shocks the hell out of me.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Hope you like it. Sinipag ehh kaya yan HAHAHAHA.😂 Pargene24 , thanks to you too, bruh😎

Don't yah worry, tuloy tuloy na tong update😄

Love you all😘, pls vote and comment. Thank you.😊

Nobody❣️

The RealityWhere stories live. Discover now