Eighteenth Chapter :s

1.8K 24 9
                                    

Sorry late UD. =)

VOTE

COMMENT

RECOMMEND TO YOUR FRIENDS

BECOME A FAN 

Mwuah mwuah tsup tsup. Thank you~

============================================================

Chapter 17

Shannon's POV

Hindi ko parin makalimutan yung nanyare nung isang araw. Minsan tumatawa ako mag-isa pag naaalala ko. Hahaha!

Flashback

Hinawakan ko yung mukha ni clark tapos... nilapit ko mukha ko sa mukha niya...

"Clark..."

"Hoy Shannon! Wag kang ganyan kadire. May girlfriend na ako"

"Papakita ko lang sayo kung paano mo hinalikan si Fame " tapos kinagat ko pa labi ko para style! 

Nilapit ko ng nilapit yung mukha ko tapos nilagay ko yung kamay ko sa bibig niya at hinalikan kaya yung kamay ko yung nahalikan ko. hahahaha!

"Adek kang babae kinabahan ako dun ah. *sigh* halikana nga uwi na tayo" at inakbayan ako. ako naman tawa parin ng tawa hanggang sa dumating na kami sa apartment ko. Mga pasado 9 na siguro ng makadating kami.

Present*

Ngayon pala naglalakad ako papuntang school. Paghapon naman hinahatid ako ni Mason pauwi kase nag prapractice kami para sa Sportfest. Next week na yun eh. Ang bilis ng araw. Pagkatapos naman ng  Sportfest mag eexam na kami. *sigh* kaya todo aral ako at todo sigaw sa akin si Boss.

"Uy fame, hindi mo ata kasabay si Clark. tara sabay na tayo pumasok sa classroom"

Nakita ko kase siyang naglalakad mag-isa gusto ko sanang sumabay sakanya kaso hindi naman niya ako pinansin. Mukhang bad mood.

"Fame okay ka lang ba? Asan si Clark?" 

"Bakit? Lalandiin mo nanaman ba?!"

Nagulat ako sa sinabi niya, anu pinagsasabi niyang lalandiin ko? never ko nilandi bestfriend ko. 

"Huh----? "

"*slap*"

Napahawak ako sa pisngi ko ng sinampal niya ako. Umakyat siya pagkatapos niya akong sampalin, naiwan naman akong nakatulala sa hagdan.

"Hey are you okay?" masnagulat ako kay mason.

"Yeah. Okay lang me"

"ta----ra? sebaay na teyo?" gusto kong tumawa dahil sa sinabi niya sa akin. pero hindi makatawa yung mukha ko. "Let's go!" hinawakan niya yung kamay ko at tumakbo kami pataas.

Pagdating namin sa classroom ang tahimik. Nung tinignan ko si Clark umiwas lang siya ng tingin si Fame naman galit? Anu ba ginawa ko sakanila? Pati rin sila hindi nag-uusap. Yung klase natahimik pa.

Umupo na lang ako sa tabi ni Mason.

"Uy Rachel anu nangyari bakit ang tahimik?"

"Nag-away kase si Fame at Clark"

"Huh? Bakit?"

"Ewan"

Bakit kaya sila nag-away? Malapit na yung monthsary nila dapat hindi sila magkaaway. Hay naku, siguro nambabae si Clark. Pero ang pinagtatakahan ko lang bakit ako sinampal ni Fame? *sigh*

Dumating na rin ang teacher at nag discuss kami , wala akong naintidihan tingin lang ako ng tingin kela fame at clark. Pero parehas sialng umiiwas ng tingin sa akin. Iniiwasan rin nila ang isa't isa.

Break na pero hindi ako niyaya ni Fame or Clark mag break. Tinawag ko si Clark pero tinignan lang niya ako. Bakit kaya ngaung araw walang pumapansin sa akin? :s Baka may surprise sila sa akin? Diba ganun yun? Minsan hindi ka papansinin tapos sa huli susurpresahin ka? Pero matagal pa namn birthday ko eh. :s

"Hey! Are you okay? "

"Maybe..?"

"Why? "

Wala akong masagot kung bakit kase hindi ko naman talaga alam ang mga nanyare.

*riiing*riiiing*

Pumunta muna kami ni Mason sa locker para kunin yung P.E uniform namin dahil P.E ang next subject. Hindi rin niya ako kinulit or tinanung kung bakit ..

Pagbukas ko nagulat nang mahulog yung mga pictures namin ni Clark masnagulat ako nang makita ko nung binibiro kong hahalikan ko siya... baka ito yung dahilan? Pero sino naman ang kumuha ng mga litratong ito?  Nagulat rin si Mason ng binuksan niya yung locker niya picture ren namin ni Clark ang nandun.

Yung mga tao tinitignan ako na parang nandidiri. Siguro iniisip nila na nilalandi ko Clark. Hindi pwedeng manyare ito! Masisira ang friendship namin ni Fame :(

Tumakbo ako ng CR pinigilan ako ni Mason pero binitawan rin niya agad ako.

Pagpasok ko ng CR narinig ko yung mga tao nag bubulungan.

"Hindi po totoo toh" sabi ko pero lahat lang sila napailing sa sinabi ko.

"Isa kang traidor! Isa kang malandi!" Pumasok bigla ng CR si Fame at.... kasama si Barbie?!

"hindi ko siya nilalandi fame, makinig ka muna sa akin"

"Anu pa papakinggan ko sayo ha!? Na isa kang mang-aagaw?! How dare you!"

"Makinig ka muna please..."

"Wala na akong dapat pakinggan sayo! Isa kang malandi!!!!!!!" lumabas na siya ng banyo at lumapit naman sa akin si Barbie..

"tsk tsk tsk kawawang Shannon katulong na nga malandi pa.." 

"Hindi totoo yan!!!"

"Hindi totoo?! Ako mismo ang nakakita kung paano mo landiin si Clark! Syempre para malaman ng mga tao kung paano mo landiin si Kurt at Clark kinuhaan ko kayo ng litrato. Pati si mommy alam kung gaano ka kalandi. At hindi ako titigil hanggang hindi ka mawawala sa paaralan na ito"

"Napaka walang hiya mo!"

"Whatever. Bye. " tapos nag evil smile pa siya sa akin.

Anu magagawa ko? Ayaw makinig ng mga tao sa akin. Hindi pa nga nila alam ang tunay na nanyari binigyan na nila ng malisya. Lumabas ako ng CR lahat ng tao tingin ng tingin sa akin. Pati si Mason hindi na rin ako pinapansin. Forever alone na ba ako?

Nadaanan ko rin yung classroom nila boss pero tinignan lang ako ni boss, pero yung tingin niya hindi lang siya nandidiri may halong galit pa.. anu ba ang ginawa ko sakanila?

Natapos na ang P.E pero kahit isang tao walang pumapansin sa akin.

===========================================

VOTE AND COMMENT! :)

My Boyfriend Is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon