Happy And Sad Moments

8 0 0
                                    

Sa police station isa-isa kaming ininterview. Maya-maya ay isa-isang nagdatingan ang mga magulang nga mga kasama naming mga bata. Kahit naka laya na kami sa mga kidnapper namin, nakaramdam pa din ako ng pag-aalala. Napansin iyon ni Mark kaya naman sa bi nya sa akin "Oh, Dont worry Princess susunduin ka ng mommy mo dito." Sabi nya sa akin at ng may tinanggal sa leeg nya at pinakita sa akin. " Eto ang kwintas ko ibibigay ko sayo, may pendant syang cross para gabayan ka nya sa lahat ng oras at para maalala mo din ako, kukunin ko ang twin cross pendant nya ha para parehas tayong gabayan. Ingatan mo yan ha?" sabi nya sa akin. May biglang tumawag sa kanya.... ang tatay nya. Patakbong nilapitan sya ng tatay nya at kinamusta. In fairness pogi din ang tatay nya lalo na sa damit nya na naka coat and tie. Confirmed mayaman nga sila kasi ang gara ng sasakyan nila. Mayamaya ay dumating na din ang mommy ko. Paiyak na niyakap ako ni mommy at puro pagtatanong kung okey na ako at kung may masakit sa akin ang laging tanong nya sa akin. " Alam mo anak halos mabaliw ako ng di na kita makita sa park" kwento sa kin ni mommy. " Buti na lang at may nakakita sayo nung dinukot ka kaya palihim na sinundan nila yung van na sinakyan mo nang matunton nila kung saan ka nila dinala nagreport agad sila sa mga pulis. Kung walang nakakita sa iyo malamang di na kita makikita" paiyak na kwento ni mommy. " wag ka ng umiyak mommy ligtas na ako, ang gusto ko lang ngayon ay umuwi na tayo" hiling ko kay mommy. " oo anak uuwi na tayo" sagot naman ni mommy.

Nakita ko si Mark na sinama na sya ng daddy nya pasakay sa kotse nila. Tinawag ko sya " Mark...mark! sigaw kong tawag sa kanya para sana magpaalam kaso hindi na nya narinig at tuluyang ng nakasakay sa kotse nila si mark. Kinausap lang sandali ni mommy yung pulis at nagpaalam na din sya at umalis na kami.

When i found you......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon