Hindi ako magising ni ate, kaya ang ginawa nya .binuhusan ako ng malamig na tubig! Waaaaa! Sobra na talaga to. Hindi ba nila alam na gumawa ako ng sandamakmak na assignments. Tapos ganito nila ako kung gisingin? Anung oras na ba kasi ngayon? Waaaaaa! 7:30 na! Kamusta naman yung klase kong 8:00 ang start.
Grabe akong nagmadali. 10 minutes shower. 5 minutes bihis. Pagkababa ko, nandun na sina ate at mama. Waaaaaa! Paalis na si ate!
"Ate! Hintayin mo ako!" Biglang sigaw ko, kasi naman eh! Huminto naman si ate at tinignan ako ng masama
"O Yanna, gising kana pala." Sabi ni mama.
"Ano?! Kung bilisan mo kaya?" Naku! Galit na galit na si ate. Sinamaan pa ako ng tingin, haiysss.
"Ma, alis na po ako" ndi nalang ako kakain baka maiwan ako ni ate eh.
"Yanna, kumain...."ndi ko na pinatapos si mama sa sasabihin nya. Humalik nalang ako at umalis na. Hay nakooo! Si ate kasi eh palagi nalang ako iniiwan, ilang araw na din akong ndi kumakain ng breakfast sa bahay, haiisst.
"Sige po alis na kami ma" nagmano at humalik si ate kay mama at umalis na kami.
Pag pasok ko palang sa kotse. As usual eto nanaman kami parang aso't pusa.
"Kapag ako talaga nalate! Nako malalagot ka sakin!" Ako nanaman sinisisi nya? Well, kasalanan ko naman talaga hehe. Syempre hindi nalang ako nagsalita. Nako! Ang daming pinagsasabi ni ate. Sinesermonan ako ng bongga. Tssk! Tssk!
Pagbaba ko ng kotse. As usual hindi na ako pinansin ni ate. Isa kasing sikat at tinuturing reyna si ate sa school namin ayaw naman nyang ipakita na may kapatid syang nerd eh. Atsaka yung apat prince charming dun sa school nila, kala mo naman kung sino pero ang yayabang ewan ko a bakit sikat nasikat sila. At ako naman, isang nerd na parang hindi nageexist dito sa mundo.
"Huyyy!"
"Ay anak ng kalabaw!" Ginulat naman kasi ako ni Shawn.
Oo nga pala si shawn, ang matalino at gwapo kong kaibigan. Gulat kayo noh? Hindi sya kagaya ng ibang mga lalaki na ang gusto sa isang babae ay sexy at maganda. Iba si Shawn, magkaibigan kami since 4th grade. Hindi sya gaano ka sikat pero kilala syang genius sa school namin. Ang swerte ko at kaibigan ko to. Haha!
Okay... Ito sila...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Eto si mama. Stepmother ko lang sya dahil namatay ang totoo kong mga magulang. Pero kahit ganunpaman, tinuturing ko pa rin syang tunay kong nanay. Maria Elizabeth "elisse" Rodriguez. Ang napakaganda, maalaga at mabait kong mommy. Nagtatrabaho sya bilang CEO sa company namin. Kahit na busy sya sa trabaho nya, hindi nya pa rin kami kinakalimutan. Sya yung palaging nandyan sakin. Palagi na nya akong pinagtatanggol kay ate. Lagi kasi ako inaaway ni ate eh.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.