Chapter6-fake fiance??

7 4 1
                                    

*Carlas POV

*bzzzzzzzttt* puta alarm na naman bat ko ba to sinet bumangon na ako agad para patayin ang alarm ko "hoy alarm alam mo bang puyat ako kagabi at hanggang ngayun badtrip ako at alam mo din bang sabado ngayun kaya wala kaming pasok puta ka ang aga mong nanggising si nanay nga di ako ginis....."-naputol ang pagsasalita ko ng biglang sumabat si kuya

"Hoy singkit baliw kana bangon na at kakain na tayo"-sabi ni kuya tamo to di man lang muna nag goodmorning

di ko sya sinagot at bumangon nalang at pumunta sa banyo para magtoothbrush habang nagto-toothbrush naalala ko lahat ng nangyari saakin nung mga nakaraang araw at bwesit na bwesit ako dun haaaiiist kainis naman eh 5days ago na since nung day na pumunta kami ni Julie sa mall at simula nung araw nayun tuwing magkikita kami ni Dwight laging banggaan ang magaganap at ugh nakakainis sya imbis magsorry sya galit pa aaaiiist

"singkit bilisan mo dyan"-sigaw ni kuya

"opo"-sigaw ko din

maya maya bumaba na ako para kumain napansin kong wala si mama at paopao hinayaan ko nalang at tinuon ang atensyun sa pagkain

pagkatapos kong kumain lumabas ako ng bahay pumunta lang akong bakuran para lumanghap ng sariwang hangin at malimutan ang mga kamalasan ko nitong mga nakaraan araw

Mga ilang minuto ang lumipas nakarinig ako ng ingay sa loob ng bahay akala ko naglalaro na naman si pao pao at kuya kaya nagmadali akong pumasok sa loob ngunit pagpasok ko nadatnan ko si mama na paluha na tapos si kuya natataranta na at si...si...pao pao nangingitim ang labi anong nangyayari??

"mama anong nangyayari"-tanong ko paluha nadin ako

"tumawag ka ng sasakyan kaylangan nating isugod sa hospital si pao pao"-imbis na si mama ang sumagot ay si kuya

di na ako nag atumbili pa at tumawag na ng sasakyan 

Wala pang isang minuto may natawag na akong sasakyan at pumasok na agad ako sa loob

"mama andyan na ang sasakyan"-ako

"dito ka lang muna anak ayusin mo gamit ni pao pao at sumunod ka sa hospital"-mama

tumango nalang ako pag ka alis nila saka pa tumulo ang luha ko sana walang masamang nangyari sa kapatid ko

Inayus ko agad ang gamit ni pao pao at tinext si kuya

to:kuya Peter

kuya asang hispital kayo?

message sent..

mabilis namang nagreply si kuya at pagkakita ko ng address agad nakong pumunta duon

*sa hospital*

pagkadating ko sa hospital nakita ko si kuya na umiiyak pati si mama ngayun ko lang nakitang umiiyak si kuya ang sakit nun para saakin

nilapitan ko sila at bigla bigla akong niyakap ni mama

"anak ang kapatid mo"-sabi ni mama ang husky na ng boses nya dahil sa pag iyak umiiyak nadin ako

"mama bakit?"-taning ko at humarap saakin si mama at sinabi saakin na may butas daw sa puso ni pao pao grabe ang bata pa nya ah at kailangan daw syang operhan at ang mababayad nasa 200,000 plus san ako pupulot nun?

Habang naglalakad ako ngayun palabas ng hospital tulala lang ako at iniisip paano magkapera pagkalabas ko may nakita akong nagbebenta ng tubig tinanong kong ilan suswelduhin pag nakabenta ng marami at nung malaman ko na medyo malakilaki sumabay nadin ako alam ko makakasira to sa image ng JU pag may nakakita saaking kaklase ko nor mga nag aaral din dun pero buhay na nang kapatid ko nakasalalay dito kaya gagawin ko lahat...

60 days unexpected loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon