Flash back ...

"Kimberly .. Wake up! Please wake up!"

"Kajima Kimberly ya!"

           Yan ang paulit ulit kong sinasabi habang nakasakay kami sa loob ng ambulansya.

Wala akong pakialam kahit basang basa ng tubig ulan ang buo kong katawan. Ang mahalaga, madala ko sa ospital si KY.

            Pagdating namin sa ospital, kaagad agad siyang dinala sa OR. Nakita ko ding pumasok sa loob si Dr. Gomes, yung personal doctor ni KY regarding her condition.

"Sir, kayo po ba ang kasama ni Ms. Yu?" tanong ng nurse sa akin

"Oo. Ako yung boyfriend nya."

"Nasan po ang pamilya ng pasyente? Kailangan po kasi nilang pirmahan ang mga papers na 'to."

"Ako ang kapatid. Anong nangyari kay Kimberly?" nag-aalalang tanong ni Cyrus habang pinipirmahan niya ang mga papeles na kailangan ni KY.

"Stephen, what happened to bessy?" umiiyak na tanong ni Cara.

"Hindi - hindi ko din alam. Nagkasagutan kami kanina dahil kay Charles, pero nagkaayos din kami. Nabasa kami ng ulan, tapos nawalan sya ng malay."sagot ko kay Cara. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, umiyak na ako.

"Walang may gusto sa nangyari Bro. Sana, ipagdasal natin na walang masamang mangyari sa kanya. Na dahil lang ito sa ulan."pagkalma ni Cyrus sa amin ni Cara.

                Hindi ako pwedeng maging mahina sa panahong ito. Wala namang masamang mangyayari sa kanya di ba?

                   Tinawagan na ni Cyrus sila tito kris na kasalukuyang nasa Korea dahil sa business nila doon.

                       ilang minuto pa ang lumipas, lumabas na si Dr. Gomez.

"Cyrus."Sa muka ni doc, parang seryoso ang nangyari kay KY.

"Doc, what happened to my sister?"

"Is she regularly taking her medicines and vitamins?"

"Yes doc. We see her drink those. regular naman po." sagot ni Cara.

"Madalas ba syang manghina nung mga nakaraang araw o nahihirapang makahinga? Nasstress din ba sya? Emotionally? Physically? Sa trabaho?"

                              This time, ako na yung sumagot. 4 months na din naman kasing kami lang ni KY yung madalas magkasama.

"No doc. Hindi sya nasstress at namomonitor ko din po yung paginom nya ng gamot nya per day."

"Seriously speaking Mr. Gonzales, Ms. Santos and Mr. Yu, I found out from the test we conducted her that she stopped drinking her medicines months ago. Maybe you see her drink her medicine but she never swallows it. Dahil dito, nagkaroon na naman ng irregularities sa dugo nya which leads to serious condition."

"How is my sister right now?" tanong ni Stephen na halatang pinipigilan ang pag-iyak

"She's in the state of coma right now, dahil hindi na rin kinaya ng katawan nya ang mashadong pagputla ng dugo nya."

"Anong pwede nating gawin ngayon doc? Blood transfussion? I'm willing to give. Same blood type kami ni Bessy." suggestion ni Cara para mapabilis ang pagrecover ni KY.

"I'm afraid it's too late to do the blood transfusion right now Ms. Santos. All we can do now is to find a suitable bone marrow donor. That's the least thing we could do now. Kimberly will be transfered in a private room after 30 mins. Just inform your parents about this."

Someday, We'll Know. (Completed)Where stories live. Discover now