No more hate :)

56 1 0

Sa totoo lang aaminin ko bagong SONE palang ako.Hindi kasing tagal niyo o ng iba na 5 years o since debut eh SONE na.Pero sa maikling panahon pa lamang na SONE ako aaminin ko na may attachment na talaga sa akin ang SNSD. Hindi ko sila nakikita bilang SNSD na magaling sumayaw,hindi din bilang SNSD na magaling kumanta ,hindi yung SNSD na magaling magmodel.Nakikita ko sila na parang bestfriend ko,ate ko.Ang nakikita ko sa kanila ay yung SNSD na ginagawa ang lahat para mapasaya ang mga kapatid at kapamilya nila ---ang mga SONES.

Ang nakikita ko sa SNSD ay isang pamilya na nagdadamayan.Isang pamilya na sabay sabay at tulong tulong na inaabot ang kanilang mga pangarap. :)

Pamilya ang tingin ko sa bawat SONE at SNSD kaya naman sa mga nangbabash sa kanila sana ay tumigil na po kayo. Maaaring hindi niyo sila gusto katulad ng pagkagusto ko sa kanila.Maaring hindi niyo nakikita yung nakikita ko tungkol sa kanila pero hindi po iyon sapat na batayan at dahilan para ibash sila.Hindi naman po siguro tama na mangbash ng isang grupo dahil lang hindi natin sila gusto.

Alam ko po na may kanya kanya tayong dahilan sa bawat reaksyon at aksyon natin.Maaaring may nakikita kayo na hindi ko nakikita at may nakikita naman ako na hindi niyo nakikita.

Sana po ay intindihin niyo na sa bawat isang group o sa bawat masasakit na salita na inyong sinasabi tungkol sa SNSD ay may isang SONE na katulad ko na nasasaktan.

PS:Hindi po ako nagmamalinis o ano man.Inilalabas ko lang po ang sama ng loob ko.Sa lahat ng SONE fighting! Sa lahat ng Kpop fans Fighting! Stop the hate.Simple lang ang buhay wag nating pakumplikaduhin :)

No more hate :)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!