Chapter 3

21 0 0

Chika

Nagulat na lang ako ng biglang umundag ang kama. Nakatulog pala ako. 8:30 na pala.

“Hey best! Aga mo matulog ah. Pinagod ka ba ni Dave? hahahahaha”

Hinagis ko ang unan sa kanya! “Gaga! Wala kaming ginawa no. Isip mo green!”

“Hahahahaha! I’m not green minded. I just have a sexy imagination”

“Duh! Kumain ka na nga, gutom lang yan. Pinasok na din tuloy ng hangin yung utak mo best!”

“hahahaha! May chika pala ako best!” sinabi niya habang papalabas ng kwarto.

Chineck ko muna ang phone ko. May text! Galing sa hon ko! 

Thanks sa kanina. Miss na tuloy kita agad. I love you, hon! Goodnyt!

I can feel butterflies in my stomach! I quickly typed him a reply and went back to Iya. “Oh? Anong chika mo girl?”

Bumalik siya sa room hawak-hawak ung Styrofoam na pinaglagyan nung takeout namin ni Dave.

“Thank you sa take-out best! Sa Gale’s kayo galing?”

“Oo. Tinatamad na ko magluto kaya binilhan na rin kita.” Sabi ko habang umuusog para makaupo si Iya.

“Buti na naisip mo! At least naglasang pagkain na rin ang kinakain ko ngayon! Hahahahhaha”

Waah! Oo. Wala akong talent sa pagluluto pero duh! Edible pa rin naman ung mga inihahain ko. Haha!

“Yeah right. Tss. Ano chika mo?”

Uminom muna siya nung coke.  “Alam mo may transferee daw sa department!” sabay subo nung spaghetti.

“Woah! Masyado naman yatang late?” nagulat ako sa sinabi nya. Two weeks na kasi since nagstart ung school year.

“Yeah. Di ko nga rin alam if bakit pinayagan.”

 “Tatlo lang naman ang possible reasons. A. Mayaman B. Malakas sa office C. Matalino. San kaya dun?”

“I have no idea.”

Napaisip din ako. “Hmm. Is that a HE or a SHE?”

“HE daw eh.”

“Oh!”

 Interesting. Haha. Wala naman. Maybe it is just exciting to see a new face in the department. Especially lalaki. Lol! Sana sa section din namin siya. Well, tignan na lang natin. Maliit lang naman ang campus para sa aming department.

LOVE ME AGAINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!