HSMFK 3

37 3 0
                                    

HE STOLE MY FIRST KISS: SORRY

Krishia POV

"Bish alam mo, nakikita ko na mabait ka talaga kaya nakipag kaibigan ako sayo pati sawa na kong makipag kaibigan sa mga plastik, bish alam mo kase nakikipag kaibigan lang pala sila saken dahil mayaman ako. Nakakasawa na tinuring ko silang tunay na kaibigan tas ganon lang pala turing nila saken" pag kukwento sakin ni Shekainah nandito kami ngayon sa rooftop at nagpapahangin bish na ang tawagan naman haha!

"Alam mo kase bishh mahirap talagang magtiwala kaya ako mas pinipili kong mapag isa bukod sa walang pumapansin sakin ay mas masaya ako na walang mag tatraidor saken"

"Buti pa nga ang mag isa pero alam mo bishh mas masaya naman talaga kung may mga kaibigan ka na tunay sayo"

"Ou nga bishh haha" napalingon kame agad ng may narinig kaming kumalampag na parang may nalaglag

"Tara na bumalik na tayo sa room at baka kung anong mangyari satin dito" anyaya ni Shekainah tumayo na kami at bumalik na sa room. Pag dating namin sa room ay pinagtitinginan kami siguro kase nagtataka sila kung bakit may kasama ang isang nerd na tulad ko pero hindi ko nalang sila pinansin at dumaretso na sa upuan ko..

"Bishh punta tayong mall!! Samahan mo ko bibili ako ng madaming libro! Para na din makapag bonding tayo" napakadaldal pala talaga nitong si Shekainah

"Hmm sama natin ung kapatid ko para may kasama ako pa-uwe"

"Sige sige" tumahimik na ko ng pumasok na ung teacher namin at nag simulang mag turo. Ansaya pala ng may kaibigan. May nag tatanggol sayo may kasama ka sa mga kalokohan may kadaldalan ka haha lahat ng to ngayon ko lang nararanasan.

~~~~~
Nandito kami ngayon nila Bish at bunsoy sa mall. Mamimili daw kame haha.

"Bish anung libro ang magandang bilhen" tanong ni bish saken ano nga ba?

"Ate She! Try nyo po mag basa ng wattpad books! Maganda po yon!" Sabi ng kapatid ko

"Wattpad books? Hmm I'll Try" tapos nagpunta kami sa stasyon ng mga wattpad books then pimili sya don habang ako nakitingin den. Tas nagbayad na sya.

"Oh 4:30 palang. Sama ko sa bahay nyoooooo" hala sasama sya?

"Sige ba" sabat ng magaling kong kapatid. Tas nagpahuli silang dalawa maglakad bali nangunguna ako. Tas may pinagbubulungan sila. So ganon sila lang?

"Hahahahhahahah" sabay na tawa ng dalawa pagkatapos ay umuwi na kame.

~~~
"Mudraaaaaaaa!" Sigaw ko pagkapasok sa pinto

"Oh andyan na pala kayo. Oh may kasama kayo?" Pagtukoy ni mommy kay Shekainah

"Obvious ba mudra. Yes po may kasama kame. Si ate Shekainah!" Pakilala ni bunsoy

"Oh wait magbibihis lang kame dyan ka muna sa sala" sabi ko kay bish

"Hmm ate dun ka na magbihis sa kwarto ko kunin mo nalang yung damit mo sa kwarto mo" bat naman?

"At baket?"

"Wag ka ng magtanong ate. Gawin mo nalang pleaseeeeeee" haysstt

"Sige na nga basta wag mong papakielaman ang kwarto ko" tapos pagkasabi ko non napa yes pa sya haystt may saltik ata to ihh.
Kumuha na ko damit sa kwarto ko at dumaretso na sa kwarto ni Bunsoy. Pagkatapos kong magbihis nagmuni muni pa ko iniisip ko kung ano bang balak ng kapatid ko. Haystt siguro naman wala no?

Lumabas na ko ng kwarto at dumaretso sa baba. Pag baba ko wala don ung dalawa. Aba! Nasaan yon?

"Mudraaaa! Nasan ung dalawa" tanong ko kay mudra.

"Nandyan lang yon hindi naman lumalabas ih" hayst! Nagpunta ako sa kwarto ko para tingnan ung dalawa don. Pagbukas ko ng pinto 0_0 WTF! AS IN T_T.
Ngumiti sakin ung dalawa sabay sabing "hi"
"Anung ginawa nyo sa mga damit ko! T_T" kase naman pag bukas ko ng pinto nakita ko ung mga damit ko nasa kama at lapag tas ginugupit na nila lahat! Hustisya sa walang muang kong mga damet!

"Kase ate hindi ka naman papayag na palitan yung mga damit mo kung hindi namin to gagawen. Kaya now susuutin mo yung mga pinamili ko sayong damet haha bibili pa kita ng madame. Wag ka ng magalit saken" pag papaliwanag ng kapatid ko

"Oo nga bishh palitan mo na kasi yung mga damit mo wag ka mag alala gaganda ka talaga samen" sabay tawa nung dalawa huhuhu yung mga damit ko ayaw ko nung mga maiiksi tas pag susuutin nila ko. Tumayo na yung dalawa dala dala ung gunting na ginamit nila panggupit sa mga damit ko tas lumapit sila saken sabay 0_0 shet! Anung ginawala nila . Humarap ako sa salamin at WTF ginupit nila ung buhok kooooooooooo T_T

"Ahhhh bwisetttt kayoooo antagal kong pinahaba yannnn" tas umiyak na talaga ko

"Ate. Sorry na para sayo din naman yan ih. Ate" hindi ko sila pinansin at nag patuloy sa pag iyak

"Ate naman ih"

"Kase hindi ko naman hinangad na gumanda! Wala nga akong pakialalam sa iba di ba! Pati ako pinapakialaman nyo pa!" Huhuhuhu ung buhok ko hindi sya pantay huhuhuhu Ginupit na nga nila ung damit ko pati ba naman buhok ko! . Lumabas ako sa bahay at nagdala ng pera magpapagupit ako. Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na salon samen

"Parebond mo na to para gumanda sya oh may wave kase" sabi nung manggugupit hmm parebond ko ba?

"Sige po pa rebond ko na po"
Tapos ni rebond nila ko halos makatulog na ko sa tagal hayy grabe ganto pala yon bat ang tagal tagal. Pagkatapos i-rebond ginupit na ung buhok ko hanggang bago mag bewang Oo! Mahaba kasi ung buhok ko tagal tagal kong hindi pinagupitan to bwiset ung dalawang yon ihh kung di nila ginupitan eh di sana mas mahaba pa dito! Haystt naiinis talaga ako.
Sabay tingin ko sa salamen Wow! Ako ba talaga to? Bat ang ganda ng buhok ko? Yayyyyyy binabawi ko na anggg gandaaaa nyaaaa. Pagkatapos ay umuwi na ko sa bahay . Nadatnan ko si mudraa sa sala

"Hello mudrabels!" Tapos humarap sya saken at napanganga

"Nak! Ikaw ba yan? Nak! Anyare sayo? Nagpagupit ka? Yahhhhh ang ganda ng anak ko!!!" Si mudra talaga parang bata ihh.

"Mudra naman ihh. Akyat na po ko"
Pag pasok ko sa kwarto ko may natigilan ako kase nag iba ung ayos at may mga lobo lobo at Cartolina at nakalagay ay 'Sorry ate' at 'sorry bish' tas may mga message sila don as in Wow! Effort? Hahahaha answeet lumapit ako sa higaan ko na may nakalagay na 'sana mapatawad mo na kame' tas may mga pa design design pa sila wow ang cute tas may mga libro don na may ribbon at nakalagay 'sayo nalang to. Bish sorry na huh' answeet naman nila. Bat kasi nagalit pa ko eh para sakin naman talaga tung ginawa nila hays

Lumabas ako sa kwarto at pumasok sa kwarto ng kapatid ko nakita kong tulog na sya. Lumapit ako sa kanya, sorry kapatid. Salamat sa lahat haha andrama ko kanina.
Lumabas ako sa kwarto nya at pumasok sa kwarto ko. 11 na pala kaya pala wala na si Shekainah at tulog na ang kapatid ko. Inayos ko ung higaan ko at lumapit sa cabinet ko may nakita ako don na box ng maliit na kulay pink tas may ' open this! For you ate! I hope you like it. Sorry ulet mwahh' binuksan ko yon at ang laman ay contact lenses ay ganon ayaw talaga nila sa itsura ko kaya binabago nila ko?
Nahiga na ko sa kama ko at natulog.

He Stole My First KissWhere stories live. Discover now