"GOOD. GIRL."

Siya mismo ang nag-iba sa usapan sa sasakyan. May mga tinatanong siya tungkol sa ilang subjects namin. Siyempre, masunurin ako ngayon, nangangamoy blackmail nanaman siya eh. Sa pinakadulo ng school parking lot siya nagpark.

"Hindi ko sasabihin sa kahit na kanino pero asahan mo ring may kapalit."

"You're evil," nasabi ko nalang. Aba, pasipol-sipol pa siya habang naglalakad papasok ng school. Pinauna ko siya kaunti bago rin ako pumasok. Si Czar agad ang nasalubong ko.

"Namamaga yang mga mata mo, nasobrahan ka siguro sa kaka-review."

"Parang ganoon na nga," review ng buhay ko to be specific. Dumikit ako sakanilang dalawa ni Brie hanggang sa magsimula ang klase. Grabe, ilang minuto palang nang huling makita ko ang mukha ni Ryan tapos ngayon, katabi ko nanaman siya. Nadatnan ko siyang naglalaro sa phone niya. Pagkabell na pagkabell ay pumasok na agad ang teacher namin.

"Before we start, one of your teachers mentioned about this studying strategy we were planning. Each and every one of you will be paired to a study partner. We contemplated on pairing you on our on terms but we decided to make it a 'free selection' one. For the first half, each and everyone whose name is called, please step forward," paliwanag ng teacher.

"Ano raw?" tanong ng katabi ko. Paano ba naman, parang nagte-text pa. Sasagutin ko sana pero unang tinawag ang pangalan ko. Marami pang tinawag kabilang na sina Brix, Czar at Brie.

"The total class number is even so each should have a partner. To those who are still seated, feel free to choose your own partner."

Nagsitayuan at nag-uusap na ang karamihan. Parang iyong mga nasa harapan naman ay ang mga nasa first half rank klase at ang mga nakaupo ay ang lower half—hula lang naman, nandoon kasi si Ryan Lee eh. Haha.

"Tsk, kung puwede lang na tayo ang magpartner eh," bulong ni Brix. May ka-study partner na sila eh, kahit si Brie at Czar. Si Ryan Lee, nakita kong lumapit sa grupo nina Diane. But of course. Nauubos na at nauubos ang lahat ay wala paring lumalapit sa akin.

"Lahat ba may partner na?" tanong ng teacher namin. Hindi man lang niya ako napansing nag-iisa sa gilid.Kung sino man iyong taong walang partner, siguro ay ayaw niya ng makitang ako. Oh wait, baka naman marami talagang may ayaw sa akin, bakit ko pa ba idedeny?

"Lee, oy, nandito partner mo. Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" napunta ang atensyon ng lahat kay Ryan.

"Ms. Ramos? Are you okay? You look pale?" lumapit ang teacher sa akin. Hindi pa ba nakapili ng partner si Ryan?

"I'm okay Ma'am," bumalik ako sa desk ko, sa tabi ni Ryan. Sinalo niya ako.

"Sensei," narinig kong sabi niya saka ngumisi. Usually, I'd be irritated but he just saved me.

"On your free time, please use that to study. Every weekend, we'll prepare special exams for you guys. Please take this seriously so that we can evaluate this strategy properly. Let's start with our lesson."

Hindi ako maka-concentrate sa mga subjects namin. I was never really worried about me being liked by everyone else. Nakontento ako na hindi ako malalayo kina Brie at Czar—this incident proved me wrong. Pagpatak ng break, dumiretso ako sa school garden para magpahangin. Nadatnan ko si Ryan Lee doon na nakahiga, mukhang natutulog.

"Hey, thanks for the gesture. Kahit na napilitan ka lang dahil sa sinabi ng mga magulang mo."

"Ikaw lang naman talaga ang pipiliin ko. Best option, the person I started to live with. Magsawa ka sa mukha ko. It's part of your torture."

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon