CHAPTER 2

17 0 0
                                    

Adriell's POV.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nasa kwarto lang pala ako sa bahay namin. Maliit na bahay lang ang aming tinitirhan. Nang nilibot ko ang paningin ko nakita ko si itay sa gilid ng hinihigaan ko. Inisip ko kung ano ang nangyari sa akin ngunit hindi ko pa masyadong maalala.

Anak, gising ka na pala.

A-ano p-po bang nangyari ama? -dahil wala akong maalala.

Nakita kita sa labas anak, nahimatay ka nung narinig namin ang sigaw mo.- bakit kaya ako sumigaw?

Ang nanay po?

Hindi s'ya nagsalita pero parang may kakaiba. Tiningnan ko ang itay ko at unti-unti kong nababasa ang isipan nya.

Hayy, wala naman talagang pakialam ang nanay mo.

A-ahh, nandyan lang ang nanay mo may niluluto para sayo.

Alam kong nagsisinungaling ang tatay.

Ano po ba talaga ang nangyayari sa akin tay?

Hindi sya sumagot at tiningnan ko lang siya.

Habang minamasdan ko s'ya,parang unti-unti kong nakikita ang nakikita niya noong gabing yun. Ewan ko kung bakit. Ito ang nababasa ko sa isipan n'ya.

Biglang lumilipad ang mga bagay na nasa aking paligid? At umuusok ang katawan ko?  Bakit kaya? Hindi ko naiintindihan ang sarili ko sa nakikita ko.  Nung sumigaw ako ay nahimatay ako at lumabas si itay at si inay. Si inay ay bumalik lang sa loob na parang walang nangyari at si itay naman, dinala na niya ako sa kwarto.

Wag nyo nalang pong itago itay. Alam ko na po. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakikita ko ang nakikita mo. Pati ang nasa isipan mo  alam na alam ko. -nagulat s'ya sa sinabi ko na nakatingin sa akin na may halong pagtataka sa mga mata n'ya.

A-ano ka ba t-talaga? -ngayon ako naman ang nagulat sa tanong n'ya.

Hindi ako makasagot sa tanong n'ya dahil kahit ako hindi ko alam.

Ako ba talaga ang may gawa nun? Kukunin ko sana ang baso sa gilid ng kama ko ng may napansin ako sa aking braso.

A-ano to?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Elemental Prince(Last Generation)Where stories live. Discover now